Nagpahayag ng suporta si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa laban kontra smuggling at hoarding ng bigas at iba pang agricultural products.
“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” pahayag niya.
“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito.”
Binigyang diin ni Romualdez ang babala ni Marcos na bilang na ang mga araw ng smugglers, hoarders, at price manipulators.
Iginiit din niya na nagsimula nang lumago ang sektor ng agrikultura sa ilalim ng administrasyong Marcos.
“Masigla at patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura. Napababa natin ang presyo ng mga pagkain mula sa agrikultura at napapataas naman ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.”
Nangako rin si Romualdez na ipagpapatuloy ng Kamara ang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin.
“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition.”
Ito ay bilang bahagi ng kanilang oversight-function, at inihayag na mayroong mga naangkop na kagamitan upang maisakatuparan ang mga ito, kabilang ang pagsasagawa ng mga follow-up hearing at pagpapatawag sa mga hinihinalang hoarder, smuggler at mga pinuno ng kartel kung kinakailangan.
“We will not shirk from our duty to help our people,” dagdag pa ni Romualdez.
Ipinatawag din niya ang mga concerned departments at iba pang state officers at bangko upang tulungan ang mga magsasaka sa pagkuha ng teknolohiya, pondo, kagamitan, at mga input para mas mapaganda ang kanilang ani at mapalakas ang supply ng agricultural products.
“Needless to say, if there is sufficient supply, it would not be profitable for traders to resort to hoarding and similar anti-competitive activities,” giit pa niya.
Matatandaang naglabas ng galit si Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address hinggil sa mga smuggler at hoarder, at sinabing hinahabol at hinahabla na sila sapagkat hindi maganda ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa kanilang magandang layunin.
“Pandaraya ang kanilang ginagawa. Napapahamak, hindi lamang ang mga magsasaka, kundi tayo rin na mamimimili, kaya hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran…Bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na yan,” aniya.