Thursday, January 16, 2025

SANIB-PWERSA! Nation-Building Target Ng Partido Ni PBBM At Tito Sen

387

SANIB-PWERSA! Nation-Building Target Ng Partido Ni PBBM At Tito Sen

387

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na mas mabibigyang solusyon ang mga isyu sa bansa matapos pormal na magkaroon ng alyansa ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa parating na midterm elections.

Kamakailan lamang ay pumirma na ng kasunduan para sa alyansa ang partidong PFP na pinamumunuan ni Marcos at ang NPC na hawak ni dating senador Vicente “Tito” Sotto III para sa 2025 midterm elections.

Sa sanib-pwersa ng dalawang partido, sinabi ng pangulo na makakatulong ang kasunduang ito para mapalawig pa ang pagbuo ng iba’t-ibang plataporma upang makatulong sa mga Pilipino at sa bansa.

“With the joining of forces, we are no longer individual players in the field of politics but a strong, united front that is determined to actively shape the future of our people,” aniya.

Dagdag pa niya, ang pagsasama ng dalawang partido ay hindi lamang para magpakita ng political forces tuwing midterm elections ngunit naglalayong mas makapagbigay boses para sa taong bayan.

“We are not joining forces for some narrow electoral objective alone. Of course, the approaching political cycle is an important element and has added impetus to what we are doing.”

Sinuportahan naman ito ni Sotto at ipinahayag ang kanyang kumpiyansa na malaki ang maitutulong ng kanyang partidong NPC sa alyansang ito.

“NPC on its own has proven to be a political force to be reckoned with. Now, together with the Partido Federal ng Pilipinas, we have formed the strongest and unbeatable alliance in the history of Philippine politics. Let this alliance be a symbol of hope. Let us harness the strength of our diversity respecting differing perspectives while embracing our shared values as we strive towards our common vision towards a brighter [and] equitable future.”

Sa kabila nito, binigyang diin ni Marcos na ang alyansa ay para sa ikabubuti ng bansa at hindi dapat tignan bilang pang-aabuso sa kapangyarihan kapag nanalo ang mga nasa partido sa midterm elections.

“Ito ay hindi pampolitika lamang. Itong pagsasama na ito ay para patibayan ang ating pangako sa ating mga kababayan na gagawin natin ang lahat at tayo ay magkakapit bisig na tumutulong para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino [at] para pagandahin ang ating minamahal na Pilipinas.”

Photo credit: Presidential Communications Office official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila