Thursday, November 21, 2024

Scam ‘Yan! VP Sara Nagbabala Tungkol Sa Mga Manlolokong Ginagamit Ang OVP

24

Scam ‘Yan! VP Sara Nagbabala Tungkol Sa Mga Manlolokong Ginagamit Ang OVP

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binalaan ni Vice President Sara Duterte ang publiko hinggil sa mga gumagamit sa Office of the Vice President (OVP) para makapanloko ng tao. 

Sa social media, pinasinungalingan niya ang mga nangongolekta ng pera na ginagamit ang OVP, at sinabing ito ay pananamantala lamang sa kabutihang loob ng mga tao. 

“The Office of the Vice President warns the public about activities involving the illegal collection of money made on behalf of the Office by unscrupulous individuals or groups,” pahayag ni Duterte.

Ito ay matapos mapag-alaman sa mga ulat mula sa Himamaylan, Negros Occidental, na mayroong nanghihingi ng P50 sa bawat tao na nais makakuha ng ayuda mula sa bise presidente. 

“This is a scam,” giit ni Duterte. 

Hinimok niya ang publiko na ipagbigay alam ang mga ganitong uri ng gawain sa pulisya o sa mga lokal na awtoridad, at magtanong sa kanyang opisina ukol sa mga programa nito sa pamamagitan ng official platforms, OVP Central Office, at Satellite Offices.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila