Sunday, January 19, 2025

Scholarship, Insentibo Para Sa Mga Dependent Ng Mga Magsasaka Isinusulong

3

Scholarship, Insentibo Para Sa Mga Dependent Ng Mga Magsasaka Isinusulong

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isinusulong ng mga mambabatas sa pangunguna ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang panukala na naglalayong manghikayat sa kabataang Pilipino na piliin ang karera sa agrikultura at harapin ang mga kasalukuyang pagsubok ng sektor.

Kasama si Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, isinulong sa House of Representatives ang House Bill 7572 na magbibigay ng subsidiya sa mga anak ng mga qualified indigent farmer na mag-enroll sa mga kursong pang-agrikultura at iba pang kaugnay na kurso sa state universities and colleges (SUCs) kasama ang free tuition na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act 10941 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act. 

“We need young Filipinos who are exposed to today’s technologies  to consider agriculture as a viable career. The youth’s innovative spirit, their enthusiasm to change the way we think or do things is what we need right now to reinvigorate our agriculture sector. Providing farmers’  children  the educational support they need will encourage them to pursue agriculture and other related courses,” pahayag ni Duterte.

Dagdag niya, dapat malaman ng kabataan na ang mga kursong pang-agrikultura ay hindi lamang sakop ang pagsasaka dahil kasama rin sa sakop ang mga degree sa agricultural and biosystems engineering, agribusiness management, agricultural biotechnology, agricultural economics, at fisheries technology.

Sa ilalim ng panukala, ang mga dependent ng mga qualified indigent farmer na pumasa sa mga requirement sa SUCs at iba pang local universities and colleges sa agrikultura at iba pang kaugnay na kurso ay mabibigyan ng libreng matrikula at iba pang school fees, pati iba pang insentibo at subsidiya tulad ng mga living and transportation allowance.

Ang qualified indigent farmer base sa panukala ay mga indibidwal na kasama sa registry ng mga magsasaka sa Department of Agriculture na ang tanging pinagkakakitaan ay ang paglinang ng lupa na kanilang pagmamay-ari o renta, o ang mga kasama sa crop production, livestock at poultry farming.

“Apart from encouraging the youth to consider entering the [agriculture sector], the said measure will also uplift and motivate agricultural research that it vital in the sector’s quest for development,” ayon sa mga may-akda ng panukala.

Dagdag rin nila, ang panukala ay tugon sa kasalukuyang programa ng gobyerno para madagdagan ang agricultural production at assistance sa mga magsasaka.

Sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education, tungkulin ng Agriculture department sa ilalim ng panukala na magkaroon ng scholarship program para sa tertiary agricultural education.

Iniulat ng mga may akda ng panukala ang datos galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita ng patuloy na pagbaba sa employment sa sektor ng agrikultura tulad ng agricultural forestry, fishing at aquaculture na industriya.

Mula sa 24.5 porsyento o 9.7 million noong Oktubre 2020 at 24.6 porsyento o 10.77 million noong Oktubre 2021, sinabi ng PSA na ang kabuuang employment sa sektor ng agrikultura ay bumaba ng 22.5 porsyento o 10.6 million noong Oktubre 2022.

Photo credit: Department of Agriculture Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila