Sunday, January 19, 2025

Sen. Alan Cayetano Sa Mga Netizen: If May Extra, Donate Ka Din

16

Sen. Alan Cayetano Sa Mga Netizen: If May Extra, Donate Ka Din

16

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“If may extra ka, try it, donate ka din sa mga nangangailangan.” 

Ito ang mensahe ni Senador Alan Peter Cayetano sa mga netizen na nagtatanong sa kanya tungkol sa kanyang panukalang Sampung Libong Pag-asa o 10K Ayuda.

Isa sa mga commenter sa kanyang social media post ay nagbiro na naaalala pa rin ng karamihan ang pangako niya na P10,000 para sa bawat pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Cayetano na hinihintay niya rin ang nasabing ayuda.

“That’s why we’re pushing it sa Senate! Government has already admitted that they have the money but they don’t want to distribute it like Bayanihan 1,” aniya kung saan tinutukoy niya ang una sa dalawang malakihang pandemic aid na panukala na naipasa noong siya ang House Speaker.

Dagdag ng mambabatas, hindi pa naihain sa plenaryo ang panukalang batas para sa Sampung Libong Pag-asa, ngunit nagbibigay siya ng P10,000 na kapital sa mga maliliit na negosyo na benepisyaryo ng kanyang Sampung Libong Pag-asa program.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila