Naniniwala si Senador Nancy Binay na ang hakbang ng Cebu Pacific na pag-aalis ng expiration ng travel fund ang magbabalik ng tiwala ng publiko sa airline.
“I believe this is a step in the right direction to earn back the trust of the public at maresolba ang mga aberyang nararanasan ng ating mga pasahero,” aniya.
Binigyang-diin ng senadora na ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero ang dapat laging prayoridad.
“Magandang nasagot na ng airline kung ano ba ang pwedeng gawin ng mga pasahero kapag may flight disruptions. I hope na maayos na rin ang hotlines nila at customer service,” dagdag niya.
Ang mga pasaherong nakaranas ng pagkaantala sa mga flight operations ay maaari na ngayong samantalahin ang two-way travel coupon para sa mga flight na nakansela sa loob ng 72 oras at one-way travel voucher para sa mga flight na naantala ng apat hanggang anim na oras, ayon sa Cebu Pacific.
Ayon sa CEB, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pakikinig sa kanilang mga customer at pag-adapt ng kanilang mga serbisyo upang matugunan ang nagbabagong travel demands.
Sa isang kamakailang national survey na ginawa ng Vox Populi, tinanong ang mga respondent kung ang mga pagkaantala at pagkansela ay madalas na nangyayari sa iisang airline lamang, at 82% ang sumagot na “it is experienced with all of the airline companies.” Ito ay katumbas ng walo sa 10 respondent.
Tinanong din ang mga respondent na kung muli silang magbibiyahe, sila ba ay “will still ride Cebu Pacific” o pipiliin ang “other airlines.” Walumpu’t apat na porsyento ang nagsabi na sila ay “will still ride Cebu Pacific,” habang 16% ang nagsabing “other airline.”
Ito ay kumakatawan sa walo sa sampung tao na sumasang-ayon na ang mga pagkaantala at pagkansela ay “experienced with all of the airline companies.”
Nang tanungin muli ang mga nagsabing lilipad sila gamit ang Cebu Pacific kung bakit, 84% ang nagsabing dahil ito ay “affordable.” Ang mga tugon ay maaring i-summarize bilang “mura at affordable ang pamasahe.”
Photo credit: Facebook/senateph