Suhestiyon ni Senador Chiz Escudero na labanan ang gun-for-hire na sindikato sa pamamagitan ng paglalaan ng P5.22 billion na intelligence funds.
“Only the identification and dismantling of groups of hired killers can assassinations be stopped,” aniya habang kinukundena ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Dagdag ni Escudero na ang pagpatay sa gobernador ay isa sa maraming palatandaan na ang gun-for-hire ay nagiging isang industriya sa bansa.Â
“Killings eventually become a revolving door phenomenon if we do not neutralize the actors now and in the long run, fix the kinks in our justice system,” aniya.
Pahayag rin ng mambabatas na marami ring pagpatay sa mga ordinaryong mamamayan na nananatili sa mga police blotters.Â
“Gobernador man o negosyante o manggagawa, parehong sigasig dapat ang ipakita ng kapulisan sa pagbigay hustisya sa kanila,” aniya.
“People get emboldened if they see murders go unsolved. Kapag hindi nahuli, it incentivizes future acts. Maraming nagsasabi na bakit pa ipa-papulis o magsasampa ng kaso na gagastos pa na meron naman shortcut. ‘Yan ang kalunus-lunos na katotohanan sa maraming lugar,” dagdag ni Escudero.