Sunday, January 19, 2025

Sen. Gatchalian: Mga Batang Ina Bigyan Ng Pagkakataong Ipagpatuloy Ang Edukasyon

21

Sen. Gatchalian: Mga Batang Ina Bigyan Ng Pagkakataong Ipagpatuloy Ang Edukasyon

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bukod sa patuloy na pagsugpo ng maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng epektibong reproductive health education, isinusulong rin ng Chair ng Senate Committee on Basic Education at Senador Win Gatchalian ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga batang ina upang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

Ipinanawagan niya ito sa isang pahayag sa gitna ng pagdiriwang National Women’s Month ngayong Marso. Ayon kay Gatchalian, dapat suportahan ang mga batang ina lalo na’t mataas ang posibilidad na matigil ang kanilang pag-aaral matapos nilang manganak. Ibinahagi niya ang mahalagang papel ng Alternative Learning System (ALS) sa patuloy na pagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral ang mga batang ina.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11510 o Alternative Learning System Act na isinulong niya, institutionalized na at pinalawak ang sakop ng ALS upang mabigyan ang mga out-of-school youth na may mga special case at mga nakakatandang mag-aaral, at mga indigenous people ng pagkakataon na magkaroon ng basic at functional literacy at mga life skill. Mandato rin ng panukala na mabigyan ang mga mag-aaral na ito ng mga alternatibong paraan para makatapos ng basic education.

Ayon sa 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study ng University of the Philippines Population Institute, patuloy ang pagbaba ng bilang ng maagang pagbubuntis ng mga kababaihang edad 15 hanggang 19. Mula sa 14.4 porsyento noong 2013, ang bilang ng kababaihang may edad 15 to 19 na nabuntis ay 7.2 porsyento noong 2021.

Binanggit naman ng Commission on Population and Development (POPCOM) na nananatiling mataas pa rin ang bilang ng mga batang inang may edad na 10 hanggang 14. Noong 2021, 2,299 na mga babaeng may edad na 10 hanggang 14 ang nanganak, na mababa nang bahagya sa 2,534 na naitala noong 2020.

Sa ilalim ng national budget ngayong tao, P10 milyon ang nakalaan para sa social protection program para sa mga batang ina at kanilang mga anak. Bahagi ng programa ang mga pamamaraan at hakbang na binabalangkas ng Department of Social Welfare and Development, POPCOM, at iba pang ahensya.

“Isa sa mga epekto ng maagang pagbubuntis sa mga batang kababaihan ang pagtigil nila sa pag-aaral at ang kawalan ng oportunidad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay. Habang patuloy nating sinusugpo ang maagang pagbubuntis, mahalagang itaguyod din natin ang kapakanan ng mga batang ina upang mabigyan sila ng pangalawang pagkakataong magkaroon ng magandang kinabukasan,” pahayag ni Gatchalian.

 

Photo credit: Unicef Philippines Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila