Suportado ng karamihan ng mga Pilipino ang pagpapatupad ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo, ayon kay Senador Win Gatchalian.
“Malinaw ang boses ng ating mga kababayan sa pagsuporta sa pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo,” ayon sa kanya na isa sa mga may-akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.
“Kaya naman patuloy nating isusulong ang ating panukalang muling magkaroon ng ROTC sa kolehiyo hanggang sa maisabatas ito. Sa pamamagitan ng ROTC, maituturo natin sa mga kabataan ang disiplina, pagmamahal sa bayan, at kahandaang tumulong lalo na sa panahon ng mga sakuna,” dagdag ni Gatchalian.Â
Batay sa survey mula sa Pulse Asia na isinagawa noong Marso 15 hanggang Marso 19, 78 porsyento ng mga respondent ay pabor sa pagpapatupad ng mandatory ROTC sa kolehiyo, 13 porsyento ang hindi sang-ayon, 8 porsyento ang hindi matukoy kung sang-ayon sila o hindi, at ang natitirang iba ay nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng opinyon sa isyu.Â
Ipinakita rin sa resulta ng survey na suportado ng iba’t ibang socioeconomic class ang pagkakaroon ng mandatory ROTC sa kolehiyo, kung saan 81 porsyento sa ABC at E at 78 porsyento sa Class D ang sumusuporta dito.Â
Ilan sa pangunahing dahilan kung bakit suportado ng karamihan ang ROTC ay ang paniniwalang matututunan ang disiplina at responsibilidad, kahandaan sa pagtatanggol ng bansa, at paghasa ng kakayahan bilang mga lider.Â
Para sa mga hindi pabor sa pagpapatupad ng mandatory ROTC, 75 porsyento ng mga respondent ang nagsabi na dadami lamang ang mga kaso ng pang-aabuso, harassment, at hazing. May mga nagsasabi rin na aksaya ito sa panahon na dapat ginugugol sa pag-aaral.Â
Nanindigan naman ni Gatchalian na may mga safeguard ang panukalang batas kagaya ng paglikha ng Grievance Board sa mga ROTC unit para tumanggap ng mga reklamo at imbestigahan ang mga alegasyon ng pang-aabuso, karahasan, at korapsyon.
Photo credit: University Of The Philippines Reserve Officers’ Training Corps Official Website