Sunday, January 19, 2025

Sen. Gatchalian Nanawagan Ng Abot-Kayang Internet Access Sa Bansa

0

Sen. Gatchalian Nanawagan Ng Abot-Kayang Internet Access Sa Bansa

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Win Gatchalian sa mataas na presyo ng internet access sa bansa at idiniin niya ang kahalagahan ng abot-kayang internet connectivity para sa mga konsyumer.

Ipinahayag niya sa isang forum tungkol sa digital connectivity na ang average na buwanang gastos para sa internet connection na hindi bababa sa 60 megabits per second (Mbps) sa bansa ay aabot ng P2,057 batay sa datos ng global database na Numbeo.

Ang halaga na ito ay 5 porsyento na mas mataas kumpara sa buwanang presyo na P1,951 sa Singapore, ang bansang may pinakamabilis na fixed broadband connection na 234.6 Mbps.

“These figures speak for themselves. We need to upgrade the quality of our internet services. We need to ensure that the amount we’re paying for internet services is commensurate to the quality that we’re receiving. Filipino citizens pay more than Singaporeans for internet service,” idiniin ni Gatchalian.

Ayon sa mambabatas, ang pagtugon sa issue ng abot-kayang internet services ay kasing halaga ng kalidad ng broadband connectivity.

“Kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Asean (Association of Southeast Asian Nations), ang Pilipinas ay nahuhuli sa bilis ng mobile internet, na ang average na pag-download ay umaabot sa 24.6 Mbps at ito ay humigit-kumulang 3.64 beses na mas mabagal kaysa sa Brunei, na sinasabing may pinakamabilis na connection sa buong rehiyon ng Asean,” aniya.

“Ang mas mataas na koneksyon sa internet ay nauugnay sa pagdami ng trabaho, employment mobility, at pangkalahatang paglago ng trabaho. Ang internet access ay nagbibigay-daan din sa pag-access sa mga kritikal na pampublikong serbisyo tulad ng edukasyon at pangkalahatang kalusugan,” dagdag ni Gatchalian.

Para mapataas ang access ng publiko sa internet connection, pinagtibay ng Kongreso ang “Free Internet Access in Public Places Act” para magbigay ng libreng internet access sa mga opisina ng gobyerno at pampublikong lugar. Ngunit ayon sa ulat ng “Digital 2023,” ang internet adoption sa bansa ay nasa 73.1 porsyento lamang o katumbas ng 80 milyong Pilipino na gumagamit ng internet.

“Kung malulutas natin ang mga isyu na mayroon tayo sa digital connectivity, makatitiyak tayo ng isang universal, abot-kaya, at maaasahang koneksyon sa internet na isang mahalagang bahagi para sa inclusive economic recovery,” ayon kay Gatchalian.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila