Monday, November 25, 2024

Sen. Go, Hinimok Ang Mga Pilipino Na Gamitin Ang Serbisyo Ng Malasakit Centers

18

Sen. Go, Hinimok Ang Mga Pilipino Na Gamitin Ang Serbisyo Ng Malasakit Centers

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng mga serbisyong hatid ng mga Malasakit Centers para sa mga mahihirap na pasyente habang namimigay ang kanyang opisina ng ayuda sa mga iba’t ibang bayan sa Laguna.

Sa isang video message, tiniyak niya na ang dalawang Malasakit Centers sa probinsya ay handang tumulong sa mga residente ukol sa mga medical-related expenses.

Sa probinsya ng Laguna, matatagpuan ang Malasakit Centers sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz at San Pablo City General Hospital.

Sinimulan ni Go ang programang Malasakit centers noong 2018 at na-institutionalize ang mga ito noong isinulong niya ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 na naglalayong tulungan ang mga pinakamahihirap na pasyente na mabawasan ang kanilang gastos sa ospital.

“Meron na po tayong 152 Malasakit Centers sa buong bansa. Huwag kayong matakot pumunta sa ospital kung wala kayong pera. Nasa loob na ng isang opisina ang mga ahensya na tutulungan kayo para wala na kayong babayaran,” aniya.

Super Health Centers

Maliban sa mga Malasakit Centers, suportado rin ng mambabatas ang pagpapatayo ng mga Super Health Center sa Laguna, partikular na sa mga siyudad ng Biñan, Cabuyao, Calamba, at Sta, Rosa; at mga bayan ng Alaminos at Mabitac.

Makakatulong ang Super Health Centers sa pagbaba ng occupancy rates sa mga ospital, ayon sa kanya.

Ang Super Health Center ay nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng database management, outpatient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.

Ang iba pang serbisyo na bigay ng super health center ay “eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy at rehabilitation center; at telemedicine.”

“Naiintindihan ko po na napakalayo ng inyong barangay sa sentro kaya naman kami na po gumawa ng paraan para hindi na kayo lumayo pa. Magkakaroon tayo ng 307 na Super Health Centers sa buong bansa (sa 2022) and at least 320 pa po next year,” sabi ni Go.

Relief Effort

Nagsagawa ng relief effort ang opisina ni Go para sa 980 residente noong Lunes, Nobyembre 21.

Namahagi ng pagkain, masks, at damit ang opisina niya sa Pila Municipal Gymnasium, San Pablo Central School, at Laguna Provincial Capitol. Nagbigay din sila ng mga cellphone, sapatos, at basketball at volleyball sa mga piling indibidwal.

Namigay rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa mga residente.

Nagsagawa rin sila ng relief activity sa bayan ng Pakil noong Nobyembre 18.

Photo Credit: Facebook/BongGoPage

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila