Saturday, January 18, 2025

Sen. Go, Isinusulong Ang Improved Access Sa Public Health Services

6

Sen. Go, Isinusulong Ang Improved Access Sa Public Health Services

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na makamtan ang mas madaling access sa quality healthcare, dumalo si Senador Christopher “Bong” Go sa groundbreaking ng itatayong super health center sa Samal, Davao del Norte noong Biyernes, December 2.

Sa kanyang talumpati, binanggit niya na plano pa magtayo ng mga super health center sa mga strategic area upang matiyak na mas maraming Pilipino ang nakatatanggap ng mga basic health services. 

Tiniyak ni Go ang koordinasyon sa mga lokal na opisyal ng Davao del Norte upang mapagawa ang isang super health center sa Panabo City.

“As Committee Chair on Health, tutulong ako sa abot ng aking makakaya kung paano pa ang pag-improve ng inyong super health center. Sa tulong ng inyong Congressman (Alan Dujali) sa Davao del Norte sa IGACOS, maglalagay ng super health center, at sa Panabo City rin… Magtutulungan kami n’yan sa Kongreso,” aniya.

“Akin lang ipapaliwanag sa inyo itong super health center, maliit lang itong building. ‘Yung manganganak, pwede nang manganak dito, birthing facilities, dental, laboratory pwede na. Alam n’yo ba, kawawa ‘yung mga malalayong lugar na walang health center. ‘Yung iba, nanganganak na lang sa tricycle, sa taxi dahil malalayo sa ospital,” kwento ng mambabatas.

Ayon kay Go, itinutulak niya ang dagdag pondo para sa 2023 health budget upang makapagtayo pa ang gobyerno ng mas maraming super health center.

“Bilang Committee chair on Health n’yo naman po sa Senado, full support po ako. Advocacy ko talaga health. Aside from super health center, palakasin ang ating health care system dahil hindi natin alam kung ito na lang ba ang pandemyang darating sa buhay natin,” aniya.

Ang super health center ay nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng database management, outpatient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.

Ang iba pang serbisyo na bigay ng super health center ay “eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy at rehabilitation center; at telemedicine.”

Sinugurado rin ni Go na madaling kunin ang mga medical assistance program sa mga Malasakit Center sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City at sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

“Kung mayroon kayong pasyente na nangangailangan ng tulong, mayroon na tayong 153 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa inyo. Kay Mayor (Al David Uy), Governor (Edwin Jubahib), at congressman, kung mayroon kayong pasyente na kailangan ng tulong (tulad ng) operasyon sa puso ‘wag n’yo ng patagalin. Ipa-check na kaaagad, dalhin n’yo sa Davao dahil mayroong Heart Center doon. (Tutulong kami sa) bayarin sa ospital pati pamasahe at sa operasyon… kami na ang tutulong sa inyo,” aniya.

“Basta tutulong ako sa inyo sa abot ng aking makakaya. Magkapitbahay lang tayo taga-Davao lang ako, palagi ako dito sa Samal. Ganyan ko kayo kamahal dito sa Samal,” pagtitiyak ng senador.

Ang Malasakit Center ay kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office na layong bawasan ang gastusin sa ospital ng mga mahihirap na pasyente.

Nagbigay tulong din si Go at kanyang opisina sa mga indigents na kinabibilangan ng mga transport workers at tour guides ng siyudad.

Photo Credit: Facebook/BongGoPage

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila