Muling itinulak ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang mga priority bill na naglalayong magbigay ng mas matatag, abot-kaya, at disenteng bahay sa mga mahihirap na Pilipino sa buong bansa, kabilang ang mga biktima ng insidente ng sunog.
Ito ay matapos tulungan ng kanyang team ang mga residente sa ParaƱaque City noong Martes, Pebrero 14, na ang mga bahay ay nawasak ng kamakailang insidente ng sunog. Binigyang-diin din ni Go ang kanyang pangako na isulong ang kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ang mga nasa krisis.
Matatandaang inihain niya ang Senate Bill No. (SBN) 192 at muling ipinakilala ang SBN 426, na nagbibigay daan para sa Rental Housing Subsidy Program, at National Housing Development, Production and Financing (NHDPF) Program. Ayon sa mambabatas, ito ay bahagi ng kanyang pagsisikap na matiyak na ang mga walang bahay ay may access sa disente ngunit abot-kayang tirahan.
Layunin ng SBN 192 na magbigay ng sapat, sustainable at matitirahan na pabahay para sa mga Pilipinong naapektuhan ng mga sakuna at iba pang krisis. Sa ilalim ng iminungkahing panukala, bubuo rin ng isang programa sa pabahay at proteksyong panlipunan upang mabigyan ang mga biktima ng kalamidad ng mas mahusay at mas abot-kayang access sa āformal housing marketā sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subsidyo sa pagpapaupa na ibinibigay ng gobyerno.
Samantala, itinulak din ng mambabatas ang SBN 426 na naglalayong pataasin ang produksyon ng pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kinauukulang stakeholders upang matugunan ang mga pangangailangan sa panlipunang pabahay ng mga pamilyang Pilipino.
Ang panukalang batas ay dapat bumuo at maglaan ng mga pondo upang garantiyahan ang pagbuo ng isang āsustainable, accessible and affordable housing financing systemā sa mga informal settler sa bansa. Samantala, ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang mga kalakip nitong pangunahing ahensya sa pabahay, ay paigtingin ang pagpapatupad ng mahahalagang bahagi ng programa ng NHDPF.
āMay payo lang po ako sa inyo sa mga nasunugan. Huwag ho kayong mawalan ng pag-asa. Ang importante po walang nasaktan, walang namatay. Ang gamit po nabibili natin āyan, magtulungan lang tayo. Ang pera poāy kikitain natin ‘yan, magsipag lang tayo. Subalit ang perang kikitain po ay hindi po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Importante po pangalagaan po natin ang buhay at kalusugan ng bawat isa,ā sinabi ni Go sa mga nasunugan.
Photo credit: Facebook/DHSUDgovph