Friday, January 17, 2025

Sen. Go: Pangalagaan Ang Kalusugan Ng Mga Estudyante Sa Paparating Na F2F Classes

0

Sen. Go: Pangalagaan Ang Kalusugan Ng Mga Estudyante Sa Paparating Na F2F Classes

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga nasa sektor ng edukasyon na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante sa kabila ng anunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi na pinapayagan ang fully online classes sa mga kolehiyo at unibersidad ngayon paparating na semestre maliban kung binigyan ng permiso.

Sinabi niya na sinusuportahan niya ang pagbabalik normal sa bansa, kabilang ang pagsasagawa ng “full physical classes.”

“As Chair ng Senate Committee on Health, my primary concern is the health and welfare of our students. ‘Wag nating ipasa ang burden sa ating mga estudyante,” ani Go.

“While we welcome the gradual opening or the gradual move towards renormalization ng buhay natin, make sure lang po na hindi malagay sa alanganin ang buhay o kalusugan ng ating mga estudyante,” dagdag niya.

Sa nilabas na memorandum ng CHED, malaki ang epekto ng pagkakarron ng “in-person” classes sa kapakanan ng mga estudyante.  “[T]he impact of resuming on-site learning, also known as classroom-based, face-to-face, or in-person learning experiences on the overall well-being of higher education learners cannot be overemphasized even in situations where emerging technologies, modalities, and methodologies of learning have been rapidly developed and implemented.”

Muling pinanawagan din ng mambabatas sa mga school administrator at mga guro na mahigpit na ipatupad ang mga COVID-19 health protocols at huwag maging kampante ngayong nagkakaroon na ng mga in-person activity.

“Ang apela ko po sumunod tayo sa mga health protocols at ‘wag maging kampante dahil nandidiyan pa po ang banta ng COVID,” aniya.

“Habang nandidiyan si COVID delikado pa rin po,” dagdag ni Go.

Inutusan ng CHED Memorandum Order No. 16 ang mga kolehiyo at unibersidad na magsagawa na ng full in-person classes o hybrid learning ngayon paparating na pangalawang semestre ng academic year 2022-2023.

Pinirma ni CHED Chairperson Prospero de Vera III ang nasabing memorandum at nilabas ng ahensya ito noong Nobyembre 11.

Ayon kay Go, kailangang mas paigtingin pa ng gobyerno ang pagbabakuna sa populasyon.

Hinimok rin niya ang mga pwedeng magpa-booster na magpabakuna na upang may dagdag proteksyon sila laban sa COVID-19. “Sa hindi pa bakunado, alam n’yo mababa ang ating booster vaccination rate sa ngayon. Ang iba nakukuntento na sa initial doses, ‘wag ho kayong makuntento. Kung qualified kayo sa booster magpa-booster na po kayo,” 

“At ang mga bata naman magpabakuna na kayo. Mas protektado kayo kapag bakunado kayo. Sabi ko nga, ang buhay ay hindi po pelikula, wala pong part 2. A lost life is a lost life forever. Kaya ingat pa rin tayo. Based on good science naman ang pagbubukas ng full face-to-face, sang-ayon naman po ako dito pero karagdagang pag-iingat po ang importante,” dagdag ng senador.

Nasa 20,866,539 booster doses ang naturok na sa populasyon, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard.

Photo Credit: Philippine News Agency

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila