Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go na chair ng Senate Committee on Health and Demography ang tugon ng Philippine Health Insurance Corporation para sa karagdagang pondo sa mental health services ng kabataan.
“I support it, and considering na maraming mga kababayan natin ang apektado po ang mental health lalo na dahil sa krisis na dulot ng pandemya. Mahigit dalawang taon na po tayong nagsasakripisyo at hindi lang po sa mga bata, maging ang mga matatanda at OFWs natin, noong unang panahon, first few months of the pandemic, marami pong depressed, maraming apektado ang kanilang mental health. Lalo na ngayong hirap sila sa pag-aadjust sa buhay natin dulot ng COVID-19,” aniya sa isang pahayag.
Itinulak rin ni Go ang Senate Bill No. 1786 na ninanais na imandato ang higher education institutions (HEIs) na palakasin ang kanilang mental health services at magkaroon ng Mental Health Offices sa mga campus.
Isa rin sa mga layunin ng Senate Bill ay ang paigtingin ang mental health awareness at magbigay suporta at serbisyo sa mga mag-aaral, guro, non-teaching staff, at iba pang empleyado sa mga paaralan.
“Iyan po ang aking priority, at sabi ko, consistent tayo sa pag-add ng budget sa mental health. In 2021 we added P384 for the mental health program of the DOH. In 2022, we advocated for P200 million for the same. In 2023, we successfully pushed for a special provision in the 2023 budget for the improvement of benefit packages of PhilHealth, including mental health package,” ani Go.
Photo credit: Facebook/NationalYouthCommission