Sunday, January 12, 2025

Sen. Lapid Sa Mga Kabataan: Mag Aral Para Sa Magandang Kinabukasan

33

Sen. Lapid Sa Mga Kabataan: Mag Aral Para Sa Magandang Kinabukasan

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinikayat ni Senador Lito Lapid ang mga estudyante na samantalahin ang pagkakataon na mag aral para sa maganda nilang kinabukasan.

Ginawa ni Lapid ang pahayag sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng limang palapag na school building sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) sa Apalit, Pampanga ngayong Martes.

Sinabi niya na hindi dapat sayangin ng mga kabataang estudyante ang tsansa habang may panahon at pinagsisikapan ng kanilang mga magulang na mag-aral.

“Kung may DHVSU noong araw, baka  nakatapos din ako ng pag-aaral  sa kolehiyo,” ayon sa mambabatas.

Si Lapid ay nakatapos lang ng high school dahil sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya noon. 

“Pag pinag aral kayo ng mga magulang nyo, samantalahin nyo. Wag nyo po hahayaan na sisikat ang araw at lulubog na wala kayong natututunan. Kahit kelan hindi na muling maibabalik kapag lumipas na ang araw na ito,” pagdidiin niya. 

Todo pasalamat naman sa mambabatas at sa Okada Foundation Inc. sina  Dr. Enrique Baking, presidente ng DHVSU, mga estudyante at local government official ng Apalit, Pampanga.

Sinabi naman ni James Lorenzana, presidente ng Okada Foundation Inc. na ito ang kauna-unahang gusaling pampaaralan na pinondohan nila

Naglaan aniya ang foundation ng P50 milyong pondo para maipatayo ang academic building na ito. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila