Pinaalalahanan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang publiko laban sa banta ng heat stroke sa gitna ng pagtaas ng heat index ngayong tag-init.
“As the average temperature rises, more lives will be at risk. We need immediate measures to address such risks, including wide dissemination of heat stroke first aid measures, heat warnings by local governments and through text messages, and siren warnings when the thermometer has risen to dangerous levels,” aniya sa isang pahayag.
“Most of the sectors in the margins are outdoor workers. Warnings to stay indoors are economically impossible for them. There will be massive economic impacts well before heat threatens health and wellbeing,” dagdag ni Legarda.
Ang babala ay kasunod ng insidente noong Marso 24 kung saan may 120 na estudyante ang dinala sa ospital dahil sa heat exhaustion sa kalagitnaan ng fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao City.Â
Samantala noong Marso 26, kinumpirma ng isang paaralan sa Makati na may isang student-athlete na namatay sa gitna ng isang football varsity game.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot ng 48 degrees Celsius ang heat index sa Laoag City, Ilocos Norte noong Abril 1, na katumbas ng “extreme danger level” sa heat index chart.
Iniulat din ng PAGASA ang papalapit na El Niño at mataas na temperatura sa Mayo.Â
Ang Senate Bill No. 1470, o ang the State Universities and Colleges Land Use Development and Infrastructure Plan Act na inihain ni Legarda ay kasalukuyang pinag-uusapan sa senado dahil nasa panganib rin ang kabataan sa gitna ng pagbabago sa klima.
Isinulong rin ng mambabatas ang pag-amyenda sa pagpapabuti ng biodiversity. Nais rin niya na magsumite ng iba pang panukala sa mga green campus ng primarya at sekondarya na magkaroon ng native trees para makatulong sa regulasyon ng temperatura sa mga paaralan.
“As we face increasing temperatures globally, we can reduce immediate risks by regulating microclimates in outdoor spaces we live and work in. Small trees like kamuning and banaba are fragrant and fast growing and can also improve air quality, reduce energy use, enhance drainage and quality of life,” ayon kay Legarda.
“A changing climate is a reality, and the small and big steps we need to address it must be accepted, normalized, and widely practiced,” dagdag niya.