Tuesday, December 3, 2024

Sen. Padilla: Appointment Ng Ilang SRA Officials Labag Sa Batas

6

Sen. Padilla: Appointment Ng Ilang SRA Officials Labag Sa Batas

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mayroong nalabag na batas ang pagkakatalaga sa ilang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) dahil hindi ito dumadaan sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG), ayon kay Sen. Robinhood C. Padilla.

Sa pagdinig sa Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises  nitong Martes, kinumpirma ni GCG Chairman Alex Quiroz na may mga SRA appointees na hindi dumaan sa prosesong iniaatas ng Republic Act (RA) 10149.

“Dito sa RA 10149, ang GOCC Governance Act of 2011, sa Section 15, Appointment of the Board of Directors, Trustees of GOCCs, an appointive director shall be appointed by the President from a shortlist prepared by the GCG. Tanong ko lang, ngayon pinaguusapan sa Blue Ribbon Committee ang naganap sa SRA. Gusto ko lang malinawan kung itong mga bagong appointee ng mga tao diyan, ito po ba dumaan sa GCG? Ito ba nasa shortlist sila?” tanong ni Padilla sa pagdinig.

Sinabi ni Padilla na ang mga opisyal ng SRA ay hindi pa nakapasa sa GCG at nasa  “acting capacity” lamang sila, ipinunto pa niya na sa ilalim ng batas, dapat kasama sa shortlist ang nominee.

Ayon kay Quiroz, natuklasan niya na ang mga opisyal ng SRA ay na-appoint sa “acting capacity” kaya’t kailangan nilang hintayin ang shortlist ng GCG.

Iginiit ni Padilla na kung walang pipiliin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa listahan, hihilingin niya sa GCG na magsumite ng karagdagang mga kandidato sa ilalim ng RA 10149.

Dagdag niya, “Malinaw na hindi lang ito SRA. Pati Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corp.), NIA (National Irrigation Administration, PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office).”

“Paano kung nagkasabit-sabit na, saka lang iimbestiga? Napakahirap ng ganoon. Mas maganda sana proactive tayo. Kung tapos na saka tayo iimbestiga. Yan lang ang aking mungkahi,” aniya.

Sumang-ayon naman ang chairman ng komite na si Senador. Alan Peter Cayetano at nagpasalamat kay Padilla sa kanyang punto.

“Dito maganda sa Senate, we can learn from each other. Dito, ako officially ang abogado. Hindi abogado si Sen. Padilla, pero siya ang nakakita sa batas ng medyo may butas na kailangang tingnan,” ani Cayetano.

Photo Credit: Senate Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila