Saturday, January 18, 2025

Sen. Padilla: Bigyan Ng Ngipin Ang MTRCB Sa Streaming At Online Gaming

30

Sen. Padilla: Bigyan Ng Ngipin Ang MTRCB Sa Streaming At Online Gaming

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Idiniin ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla na kailangan bigyan ng ngipin ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at iba pang ahensya ng gobyerno sa para ma-protektahan ang kabataan laban sa mga imoral at bawal na palabas.

“Ang ating pong layunin sa araw na ito ay siguraduhin na mariin at epektibo ang ating patnubay sa mga manunood lalo na sa ating mga kabataang nasa murang edad at bubot pa ang kamalayan, mula sa mga palabas at audio-visual media sa ano mang moda, porma at plataporma,” pahayag niya sa simula ng pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media. 

Dagdag ni Padilla na nais niya na dumating ang panahon na ang MTRCB ay kilalanin hindi sa censorship kundi isang classification body na. 

Isinaad rin niya na halos 38 na taon ang lumipas mula nang malikha ang MTRCB, ngunit napag-iwanan na ito sa panahon ng internet at online gaming.

“Nakakalungkot man, napag-iwanan na po ang MTRCB sa pagsasala ng mga naglipanang audio-visual media at content sa makabagong plataporma at moda ng panonood,” ayon sa mambabatas.

Binanggit din niya na hindi censorship ang habol ng pagdinig.

“Uulitin po natin, hindi po censorship ang nais natin. Hindi tayo kalaban ng malaya at malikhaing sining; bagkus, tayo ay kakampi ng matalinong panunuod laban sa hindi katanggap-tanggap na media tulad ng immoral, mahalay, mga paniniwalang laban sa batas at moralidad ng lipunan at syempre pa, ang tampok na ikinababahala ng inyong lingkod — paninira sa reputasyon at dignidad ng ating Inang Bayang Pilipinas,” ani Padilla.

Photo credit: Facebook/SenateofthePhilippines

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila