Saturday, January 18, 2025

Sen. Padilla Suportado Ang Pag-Alis Ng Party-List System

3

Sen. Padilla Suportado Ang Pag-Alis Ng Party-List System

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Idiniin ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pag-alis ng party-list system para sa pagbabago ng mga political provision sa 1987 Constitution.

Nais din niya, na chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, na palakasin ang party system para mabawasan ang kalakarang pagboto ng mga kandidatong sikat o mayaman.

“Kung mapupunta tayo sa Concon, yan dapat una nating gibain. Dahil ang party-list system ay, my goodness gracious, di ko na makita, mula magdesisyon ang ating Korte Suprema na payagan na pati mga mayayaman, nawala na po ng anghang at sustansya. E dapat po yan e mga sektor na di naririnig. E ngayon ewan ko, sa totoo lang po,” saad ni Padilla sa isang panayam sa DZBB.

Iginiit din niya na dapat palakasin ang party system para sa pagboto ng mga kandidato na base sa adbokasiya ng partido.

“Sa totoo lang, kung gusto natin mabago talaga ang pulitika sa Pilipinas, palakasin natin ang party system. Tigilan na po natin ang kaboboto dahil sikat at dahil ito may pera. Alam nyo kung nabago natin ang Constitution at mapalakas natin ang partido ang iboboto nyo na po ang adhikain ng partido, di na yung sikat,” pahayag ng mambabatas. 

Binanggit din ni Padilla na hindi siya kontra sa pag-amyenda ng political provision ng saligang batas sa pamamagitan ng constitutional convention. Ayon sa kanya, dapat na prayoridad ang pag-amyenda ng economic provision sa pamamagitan ng constituent assembly.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila