Sunday, January 12, 2025

Sen. Poe: Hindi Dapat Ipinapasa Ang Port Fees Sa Mga Pasahero

3

Sen. Poe: Hindi Dapat Ipinapasa Ang Port Fees Sa Mga Pasahero

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang gobyerno na siguruhing hindi ipapasa ng mga shipping line ang iba’t-ibang port fees sa kanilang mga pasahero.

Ipinanawagan niya ito matapos magsagawa ng pagdinig ang Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan. Ang pagdinig ay tungkol Senate Resolution No. 484 na tumatalakay sa iba’t-ibang administrative order nag nagtataas ng port fees.

“Solusyon nga ba ang mga polisiyang ito o dagdag problema lamang? Does replacing container deposits with insurance and monitoring fees protect users? If so, why are the users complaining? In creating reforms to our maritime trade, panahon na para magkaroon ng regulations sa excessive charges kasabay ng pagsuporta sa paglago ng shipping industry. Were there sufficient studies and stakeholder consultations to support these policies?” tanong ni Poe.

“Gusto nating maayos at ma-modernize ang sistema pero ayaw naman nating ipasa lahat sa port users at kalaunan ay sa mga ordinaryong konsyumer ang mga bagong port fees. High shipping rates also worsen inflation. Lahat tayo ay maapektuhan ng pagtaas ng mga produkto sa merkado,” dagdag niya.

Sinusuri rin ng komite ang administrative order ng Philippine Ports Authority (PPA) na lilikha ng Centralized Ticketing System, Prescribed Waste Reception Fees sa mga PPA Ports, Mandatory Tree/Mangrove Planting, at ang Port Terminal Management Regulatory Framework.

Sinabi ni Poe na dapat pakinggan ng gobyerno ang hinaing ng mga shipping industry association at mga organisasyon na nagsasabi na ang mga adminstrative order ay magreresulta sa mas mataas na port charges at logistic costs.

Pinuri rin niya ang anunsyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na suspindihin ang implementasyon ng digitization program ng PPA sa pamamagitan ng Trusted Operator Program- Container Registry and Monitoring System. Ang programang digitization ay isang electronic tagging at tracking system kung saan ang paggalaw ng mga container at port users ay dapat nakalagay sa system.

Binanggit din ng senador na dapat tugunan ng gobyerno ang isyu ng mataas na halaga ng logistics dahil naaapektuhan rin nito ang mga consumer.

Photo Credit: Facebook/PortsAuthorityPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila