Thursday, December 26, 2024

Sen. Poe Nanawagan Sa LTO Na Tugunan Ang Kakulangan Ng Plastic Card

3

Sen. Poe Nanawagan Sa LTO Na Tugunan Ang Kakulangan Ng Plastic Card

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Grace Poe na dapat tugunan ng Land Transportation Office (LTO) ang kakulangan ng plastic card para sa driver’s license matapos nitong i-anunsyo ang planong pagbibigay ng driver’s license gamit ang papel bilang pagtugon sa bumababang suplay ng plastic cards.

“The shortage in driver’s license plastic cards should be nipped in the bud before it could create another gargantuan backlog for the Land Transportation Office (LTO),” aniya sa isang pahayag.

Idinetalye ng ni Poe ang maaaring maging epekto ng pagbibigay ng driver’s license na papel sa seguridad ng card holder. 

“Issuing a license printed on paper is prone to wear and tear, tampering and could compromise the security of the holder,” aniya.

mambabatas na madalas ginagamit ang driver’s license sa iba’t ibang transaksyon.

“Isa ang driver’s license sa mga government-issued IDs na karaniwang ginagamit sa iba’t ibang transaksyon. Pera ng ating mga kababayan ang pinambayad d’yan. Bigyan naman natin sila ng tama at kagalang-galang na lisensya, hindi lang kapirasong papel,” iginiit niya.

Idinetalye din ni Poe sa kanyang pahayag ang pagsasabatas ng Republic Act 10930 na inamyenda ang Land Transportation and Traffic Code. Sa ilalim ng batas, pinahaba ang validity ng driver’s license ng lima hanggang sampung taon.

“In 2017, we pushed for the passage of the law extending the validity of driver’s license to five or 10 years to incentivize our drivers, cut red tape and give them an identification card they can conveniently use for official transactions,” aniya.

Idiniin ni ng senador na ang kakulangan ng plastic card para sa driver’s license ay hindi tugma sa layunin ng panukala.

“The inconvenience hounding our motorists due to the inavailability of the license cards defeats the purpose of the law,” aniya.

Photo credit: Facebook/LTOPhilippines

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila