Nagpaalala si Senador Grace Poe sa mga telecommunication company na huwag maging kampante sa paghimok sa mga mobile user na magrehistro ng kanilang SIM card sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga reklamo tungkol sa text scam.
“The drop in text scam complaints shows how the public is reaping the benefits of the SIM Registration law that we have advocated,” pahayag ni Poe.
“There’s no room for telcos to be complacent in encouraging mobile users to register. The ultimate aim of the law is 100 percent registration and zero text scam to give our mobile users a safe and secure environment in using the technology,” aniya.Â
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), bumaba ang mga reklamo tungkol sa text scam nang 93.3 porsyento dahil sa implementasyon ng Republic Act No. 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Law.Â
Ipinahayag ni NTC legal branch Officer In Charge Andres Castelar Jr. na ang mga reklamo tungkol sa text scam ay bumaba ng 100 bawat araw mula sa 1,500 na reklamo bago ipatupad ang SIM Card Registration Law.
Ang kabuuang bilang ng mga rehistradong SIM card ay mahigit kumulang na 43,956,300 ngayong Marso 12. Ang Smart Communications, Inc. ay nagtala ng 22,337,207 na rehistradong SIM habang ang Globe Telecom ay nagtala ng 18,274,385 na rehistradong SIM. Ang DITO Telecommunity naman ay may naitalang 3,344,708 na rehistradong SIM card.