Monday, November 25, 2024

Sen. Revilla Sa Mga Immigration Official: Ayusin Ang Serbisyo O Magbitiw Na Lang

6

Sen. Revilla Sa Mga Immigration Official: Ayusin Ang Serbisyo O Magbitiw Na Lang

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinamon ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na magbitiw na lamang sa kanila mga tungkulin kung hindi nila kayang ayusin ang serbisyo ng naturang ahensya sa gitna ng mga insidente ng offloading Ninoy Aquino International Airport.

Sa isang viral video sa social media, idinetalye ng isang Pilipino ang kanyang karanasan noong papunta siya ng Israel kung saan hiningan siya ng immigration officer (IO) ng kopya ng kanyang school yearbook. Dahil dito, nahuli ang pasahero sa kanyang flight kahit dumating siya sa paliparan ng ilang oras bago ang scheduled time ng kanyang departure.

“Anong nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise! Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid iyang di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!,” puna ni Revilla.

Ayon sa kanya, nakatanggap ang kanyang opisina ng mga reklamo tungkol sa arbitrary offloading sa NAIA, at nasa proseso na ito ng imbestigasyon nang lumobo ang isyu.

“Tinitingnan na namin ito since last year, at eto at pumutok na. Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice inoffload despite our correspondence with BI,” pahayag ng mambabatas.

“Ang katwiran ng BI, iba raw yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala daw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?,” tanong niya.

Ayon sa Immigration bureau, sa 32,404 na Pilipino na offloaded noong 2022, 472 lamang ang sangkot sa human trafficking, 873 naman ang hininalang nang-misrepresent sa kanila, at 10 ang menor de edad.

“Sa lagpas 30,000 na inoffload at inabala ng immigration na yan, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakakagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” ipinunto ni Revilla.

“Over 95% talagang inabala at pinagastos lang. Ibig sabihin, isa lang sa bawat dalawampung inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan?,” aniya.

“Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance,” puna ng senador. 

Naniniwala siya na harapang pagtapak sa karapatang maglakbay ang ginagawa ng BI, at maaari pang pagyapak sa kapangyarihan ng korte na maglabas ng Hold Departure Order (HDO) kung may batayan.

“Parang daig pa nila ang korte. Napaka-absurd yata na yung nakagawa ng krimen, basta’t walang HDO makakaalis, pero yung mga ordinaryong Pilipino na gusto lang makaranas ng bakasyon sa ibang bansa, basta-basta lang iniipit at hindi pinaaalis. Over-stepping na yan,” dagdag ni Revilla.

Tuloy pa rin ang offloading sa kabila ng mga patakarang inilatag ng Memorandum Circular No. 036, s. 2015 Department of Justice na nagtakda ng revised guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Passengers.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila