Monday, January 20, 2025

Sen. Tulfo Binatikos Ang Pagbabanta Ng Chinese Envoy Sa Mga OFW Sa Taiwan

36

Sen. Tulfo Binatikos Ang Pagbabanta Ng Chinese Envoy Sa Mga OFW Sa Taiwan

36

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binatikos ni Senador Raffy Tulfo ang Ambassador ng Tsina sa Pilipinas na si Huang Xilian dahil sa banta nito tungkol sa employment ng mga overseas Filipino workers (OFW) kapag hindi tinutulan ng Pilipinas ang kalayaan ng Taiwan.

Sa isang pahayag, tinawag ni Tulfo na bully si Huang at hindi umano nakuntento sa harassment sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea at ngayon naman ay ginagamit ang mga OFW sa isyu nito sa Taiwan sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“Si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ay nagbitaw ng mga salitang lantarang minamaliit ang mga Pilipino nang dahil sa away ng China at Taiwan. Ginamit niya sa kanyang pambubully ang inosente nating mga OFWs sa Taiwan para utusan tayong gawin ang mga kagustuhan nila,” aniya.

“To Chinese Ambassador Huang Xilian, this is not acceptable, and we will never bow down to this kind of bullying! Sa mga kababayan natin sa Taiwan, huwag po kayong mabahala. Hinding-hindi po namin kayo pababayaan,” dagdag ng mambabatas.

Kamakailan, nagpahayag si Huang tungkol sa isyu sa kalayaan ng Taiwan. Sabi niya, “The Philippines is advised to unequivocally oppose ‘Taiwan independence’ rather than stoking the fire by offering the US access to the military bases near the Taiwan Strait if you care genuinely about the 150,000 OFWs.”

Idiniin ni Tulfo na walang karapatan ang sinuman na utusan ang Pilipinas sa dapat nitong gawin at magbanta pa sa mga OFW.

Dagdag pa niya, ang isyu ng Tsina sa Taiwan o sa EDCA ay dapat hinarap sa pamamagitan ng diplomasya na sumusunod sa tamang proseso at protocol. 

Sinabi rin ni Tulfo na matagal nang foreign ministry officer ng China si Huang, pero dinamay pa niya ang mga OFW sa kanyang pananakot sa halip na makipag-ugnayan sa gobyerno.

Photo credit: Facebook/SenatePH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila