Sunday, January 19, 2025

Sen. Tulfo Isinulong Ang Panukala Laban Sa Diskriminasyon Sa Mga Motorcycle Rider

6

Sen. Tulfo Isinulong Ang Panukala Laban Sa Diskriminasyon Sa Mga Motorcycle Rider

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain ng panukala si Senador Raffy Tulfo para matigil ang diskriminasyon ng mga pulis laban sa mga motorcycle rider na laging nahaharang sa mga checkpoint.

Sa kanyang isinulong na Senate Bill (SB) No. 1977, sinabi ni Tulfo na madalas nakikita sa mga kalsada, lalo na sa National Capital Region, ang mahahabang pila ng mga motorsiklo sa isang checkpoint ng mga pulis, pero lusot sa mga checkpoint na ito ang mga four-wheel vehicle gaya ng mga kotse, pick-up truck, SUV, at mga van.

Ipinunto niya na kadalasan sa mga checkpoint, ang mga sakay ng motorsiklo ay kinakapkapan, pinabubuksan ang compartment ng motorsiklo, at hinahanapan ng mga dokumento gaya ng lisensya at registration nang walang paliwanag na traffic violation o suspetsa na may nagawang krimen. 

Dagdag ng mambabatas na minsan nagtatanim ng ebidensya ang pulis para mas malaking pera ang ibigay sa kanila.

Sa ilalim ng SB No. 1977, ang mga guideline para sa mga checkpoint ay dapat pantay-pantay para sa lahat ng two at four-wheel na sasakyan para maiwasan ang diskriminasyon laban sa mga motorcycle rider. Hindi maaaring tanungin ng pulis ang driver na bumaba ng sasakyan o motorsiklo para sa inspeksyon ng walang pahintulot ng driver.

Sinabi ni Tulfo na ang mga nagbabantay sa checkpoint ay maaaring humiling na tingnan ang lisensya at registration ng driver ng sasakyan kung may nakita silang paglabag sa batas ng trapiko katulad ng sirang ilaw, kawalan ng plate number, at hindi pagsusuot ng helmet para sa mga motorcycle rider.

Dagdag rin ng senador na ang tanging oras kung saan pwede magpatuloy ang mga pulis ng “stop and frisk” operation ay kung mayroon silang reasonable suspicion na may nagawang krimen ang driver na nasa checkpoint.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila