Sunday, November 24, 2024

Sen. Villanueva Sa Gobyerno: Tugunan Ang Kakulangan Sa Malinis Na Tubig Sa Bansa

27

Sen. Villanueva Sa Gobyerno: Tugunan Ang Kakulangan Sa Malinis Na Tubig Sa Bansa

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gobyerno na siguraduhin na ang lahat ng Pilipino ay may access sa malinis na tubig sa gitna ng paggunita ng World Water Day ngayong Marso 22.

“It is imperative that the government takes an active role in ensuring that every Filipino has safe and potable water by having a comprehensive management program on water safety planning,” pahayag ni Villanueva.

Ito ay pagkatapos niyang magpahayag ng pangamba sa mataas na bilang ng pamilyang Pilipino na walang access sa ligtas at malinis na tubig. Ayon sa ulat ng National Water Resource Board (NWRB), 11 million na pamilya ay walang access sa malinis na tubig na bumubuo sa 41.6 porsyento ng 26,393,906 na kabuuang bilang ng pamilyang Pilipino sa bansa.

Matatandaang isinulong ni Villanueva ang Senate Bill No. 1048 o ang Safe Drinking Water Act na may layuning obligahin ang mga water service provider na magsumite ng water safety plan at magsagawa ng kabuuang pagsusuri sa kalidad ng tubig kada dalawang buwan at kumuha ng mga permit at certification tulad ng Certificate of Potability of Drinking Water.

Isinulong rin niya ang Senate Bill No. 2013 o ang National Water Act na may layuning bumuo ng national framework para sa water resource management. Layunin din ng panukala na magtatag ng Department of Water Resources at Water Regulatory Commission.

“For an archipelagic country with abundant water resources, we need a sole government body which is focused on water resource management and will also strengthen the implementation of water-related laws to improve coordination among regulatory bodies,” pahayag ng senador.

Ang panukalang Department of Water Resources ay isa sa mga priority measure ng administrasyon na nabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address.

Photo credit: Philippine Information Agency Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila