Sunday, January 19, 2025

Sen. Villar Isinusulong Ang Pagtulong Sa Mga Apektado Ng Oriental Mindoro Oil Spill

12

Sen. Villar Isinusulong Ang Pagtulong Sa Mga Apektado Ng Oriental Mindoro Oil Spill

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isinulong ni Senador Cynthia Villar ang tulong sa mga residente na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sa pangunguna sa pagdinig sa Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, inihayag niya na base sa mga ulat, posibleng malampasan ng Mindoro oil spill ang pinsalang dulot ng 2006 Guimaras oil spill na binansagan na pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng bansa.

Kinuwestiyon ng senador ang mga resource person mula sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority, Philippine Ports Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources tungkol sa tulong na ibinigay para sa mga apektadong residente, partikular sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa oil spill.

Iniulat ni NDRMMC Assistant Secretary Bernardo Alejandro sa pagdinig na mayroong task force na pinamumunuan ng regional director of OCD MIMAROPA (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, and Palawan) para suportahan ang DENR at PCG sa oil spill containment, clean up, at emergency response.

Dagdag rin niya na 70 na lugar sa rehiyon at 22,000 na pamilya mula sa 118 na barangay sa Oriental Mindoro, kabilang ang 13,588 na mangingisda sa Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill. Mayroon 122 na residente rin ang nagkasakit.

Apektado ng Oriental Mindoro oil spill ang marine ecosystem at biodiversity, fisheries at suplay ng pagkain, kabuhayan ng mga mangingisda, kalusugan at turismo.

Isa ring banta ang oil spill sa 21 locally-managed marine protected areas, kabilang ang Verde Island Passage na naka-ambang gawing isang legislated protected area dahil sentro ito ng “global-shore fish biodiversity.”

“Moreover, as the people are still inching towards recovery from the pandemic, it appears unwarranted for the residents of the provinces and municipalities in MIMAROPA and Region 6 affected to be subjected to additional hardships because of the oil spill,” pahayag ni Villar.

Kasama si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, hiniling ni Villar sa mga concerned government agencies ang halaga ng pagtulong at ang kailangang mga resource sa patuloy na operasyon sa mga apektadong lugar.

Photo credit: Facebook/DepartmentofEnvironmentandNaturalResources(DENR)

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila