Sunday, January 19, 2025

Cynthia Villar Sa Publiko: Gawin Ang Mga Hakbang Kontra Sunog

19

Cynthia Villar Sa Publiko: Gawin Ang Mga Hakbang Kontra Sunog

19

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Cynthia Villar sa publiko na gawin ang dapat para maiwasan ang sunog sa gitna ng pag-obserba ng Fire Prevention Month.

“I believe that every individual should be early in identifying the causes of fires and avoiding its dangers rather than being fully dependent on our firefighters,” idiniin niya.

Ipinahayag ni Villar na tinututukan nila ang fire prevention kasama ang Villar SIPAG sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Las Piñas.

“It is indeed our goal to minimize fire incidents for the safety of our people. Due to this, we are continuously intensifying our efforts of fire prevention especially during the Fire Prevention Month,” aniya.

Sinabi ng mambabatas na nagsasagawa sila ng mga aktibidades para paigtingin ang kamulatan ng publiko sa pag-iwas sa sunog.

Pinangunahan ng BFP ang Fire Prevention Awareness Seminar kung saan tinuruan ang publiko ng first aid para sa mga biktima ng sunog at fire response demonstrations.

“Although a fire may happen in any month of the year, statistics has shown there is higher incidence of fire every March at the start of the summer season,” ayon kay Villar.

Base sa datos, may 13,000 na naitalang sunog noong 2022 sa buong bansa. Sa unang dalawang buwan ngayong taon, 1,984 ang naitalang sunog na mas mababa sa 21 porsyento kumpara sa 2,520 na sunog noong unang dalawang buwan ng 2022.

“Despite the decline in the number of fire incidents, the public should always remain careful and watchful against fires,” pahayag ni Villar.

Idineklara ang Marso bilang “Fire Prevention Month” noong 1966 sa ilalim ng Proclamation No. 115-A.

Photo credit: Facebook/BureauofFireProtection

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila