Iimbitahin ni Senator Raffy Tulfo, chairperson ng Committee on Energy, ang mga dating opisyal ng Department of Energy (DOE), mga opisyal sa local government units (LGUs), at mga electric cooperative sa paparating na imbestigasyon ng Senado sa pawala-walang kuryente at pagtaas ng presyo nito sa mga probinsya.
Hihingan ni Tulfo ang mga opisyal ng performance evaluation ng mga electric cooperative sa buong bansa upang maimbestigahan ang anomalya.
“That is really going to happen. Lahat ng may kinalaman, ipapatawag natin so they can shed light kung bakit di nabigyan ng solusyon ang problema. Maybe makakatulong sa kasalukuyang problema,” sabi ni tulfo.
Dagdag ni Tulfo, hindi magdadalawang isip ang senado na magpataw ng parusa at pagsawalang-bisa ng prangkisa ng mga korap na mga electric cooperative.

