Monday, February 3, 2025

SENADO, NABUDOL? Hontiveros, Sinupalpal Naturalization Ni Wang

12

SENADO, NABUDOL? Hontiveros, Sinupalpal Naturalization Ni Wang

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang matinding pahayag ang ibinato ni Senadora Risa Hontiveros laban kay Li Duan Wang at ang koneksyon nito sa mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), matapos magbunyag ng mga nakakabahalang impormasyon tungkol sa kanyang mga nakatagong ugnayan sa ilegal na aktibidad.

Ayon kay Hontiveros, si Wang Li Duan ay naging incorporator ng isang POGO service provider, ang Powergate Infinity Holdings, na, ayon pa sa senadora, ay may mga tauhan na nasangkot sa iba’t ibang krimen. Isa na dito ang isang dating empleyado ng Philippine Army na nahuli sa kasong kidnapping. Samantalang si Charlie Tan, ang sumunod na direktor ng kumpanya, ay bahagi ng isang “Davao Group” at inimbestigahan na sa mga kasong drug smuggling at bribery.

“Isang ex-Philippine Army na empleyado ng Powergate ay nahuli para sa kidnapping- at si Charlie Tan- na sumunod na direktor ng kumpanya, ay miyembro ng “Davao Group” at dati nang inimbestigahan sa drug smuggling at bribery,” pahayag ni Hontiveros.

Hindi Inamin Mga Gambling Ties

Mas lalo pang tumibay ang mga duda ni Hontiveros nang ipahayag na hindi sinabi ni Wang Li Duan na siya ay naging incorporator ng isang POGO service provider. Bukod pa rito, hindi rin inamin ng Chinese businessman na siya ay junket operator at walang binanggit tungkol sa kanyang koneksyon sa industriya ng pagsusugal. Para kay Hontiveros, ito ay isang malinaw na pagtatago ng mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa kanyang operasyon.

“He must be hiding something dubious if he deliberately concealed these pertinent facts from Congress. At kung nagtatago baka malalim ang ugnayan. Di ba ganito din kay Guo Hua Ping?”

Ugnayan Sa Ibang POGO Operators

Mas lalo pang umiigting ang suspensyon ng senadora nang ipahayag na si Duanren Wu, isang kasama ni Wang Li Duan sa 9 Dynasty grand opening sa Pampanga, ay incorporator din ng isa pang POGO service provider, ang Whirlwind Corporation. Isiniwalat ni Hontiveros na si Wu ang mastermind sa operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga.

“I am confident that our Congressional investigations have established that individuals like Guo Hua Ping and Duanren Wu only use POGOs or POGO service providers as legal covers for illicit activities,” sabi pa ng senadora.

Mga POGOs, Legal Na Saklay Ng Iligal Na Aktibidad?

Sa kanyang mga pahayag, ipinahayag ni Hontiveros ang matibay na paniniwala na ginagamit lamang ng mga taong tulad ni Guo Hua Ping at Duanren Wu ang mga POGO at mga service provider nito bilang legal na panakip sa kanilang mga ilegal na gawain. Aniya, ito ay isang babala sa ating mga imbestigasyon.

“Dapat matuto tayo sa sarili nating mga imbestigasyon,” dagdag pa ng senadora.

Filipino Citizenship Ni Guo Hua Ping

Binanggit din ni Hontiveros na, batay sa mga imbestigasyon, posibleng palang bigyan ng Filipino citizenship si Guo Hua Ping sa Senado noon, ngunit lumitaw sa kanilang pagsisiyasat na isang POGO boss din ito. Ayon pa sa senadora, “Sana wag naman tayo pabudol.”

Photo credit: Facebook/senateph, Philippine News Agency website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila