Tuesday, October 4, 2022

Senado, Naghigpit Dahil Sa Tumataas Na Covid Cases

MOST READ

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri noong Miyerkules na maghihigpit ang Senado sa pagpapapasok ng mga opisyal simula August 15 matapos magpositive ang tatlong senador sa coronovirus disease 2019 (COVID-19) noong nakaraang linggo.

Ang mga kumpirmadong nag-positibo ay sina Senador Alan Peter Cayetano, Senador Imee Marcos, at Senador Cynthia VIllar.

“We beg for the indulgence of the public, we just want to be safe, we have members and staff with comorbidities,” sabi ni Zubiri.

Napagsang-ayunan naman ng senado na mas maging mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols at pagbabawal ng bisita sa susunod na tatlong linggo. Ang mga nagnanais din pumasok ay dapat magpresenta ng negatibong reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test results sa nakaraang 24 oras.

Nag-anunsyo rin ang Department of Health (DOH) at OCTA Research na tataas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Latest News