Sunday, January 12, 2025

Shookt! Nakakatawang Reaksyon Ni La Union Gov. Ortega-David Sa Pagtutuli Patok Sa Netizens

36

Shookt! Nakakatawang Reaksyon Ni La Union Gov. Ortega-David Sa Pagtutuli Patok Sa Netizens

36

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Patok sa mga netizen ang pagpapakatotoo at pagkakaroon ng natural na reaksyon ni La Union Governor Rafy Ortega-David sa isinagawang libreng patuli sa kanilang probinsya.

Kinagiliwan sa social media ang mga litrato ng gobernador na may makulay na reaksyon habang nakikisali sa aktibidad. Narito ang mga komento mula sa mga netizen:

Gonzales Marivel: “Ang ganda nio pa rin gov rafy khit nashookt ka ng very slight .hehehe.”

Bunny Avelino – Getaruelas: “Kahit anong anggulo mo po Gov. Rafy Ortega-David 🥰 maganda ka parin po maam 💜 natural beauty talaga.”

Jen-jen Bautista: “Cute Ng facial reaction ni gov💜💜💜🫰🫰🫰🥰🥰🥰.”

Jhona Lynn: “Ang cute nyo po Gov 😁.”

Romelyn Vergara Tomacder: “Yan ang the best Governor…nagpapakatotoo…nakakatuwa po nag expressions nia…luv it!!!😍😍😍.”

Leslie Joy Goden Bisco: “Napaka good vibes ng facial expressions niyo gov.🤣🥰💜.”

Bryan Tepace DelaCruz: “Governor is so relatable. Yung tipong kahit di kayu magkakilala personally but you feel connected to her. 💚.”

Ayon kay Ortega-David, “Isa sa mga natake note nating suggestion para sa libreng medical and dental missions natin sa buong probinsya ay kung pwedeng magkaroon ng libreng patuli. We made this possible dahil sa ating directive at inexecute to agad ng ating Provincial Health Office.”

“Nung nakabisita tayo sa ating mission for this morning, nacurious ang lola niyo kung pano nga ba ginagawa ang pagtuli. Puro babae kasi kaming magkakapatid at ngayo’y may anak na akong lalake ginusto kong malaman kung papano ba ito.”

Sa kabila ng kanyang katatawanang reaksyon, ipinakita ng gobernador ang kanyang malasakit sa mga kababayan, aniya, “Good job sa mga pasyente natin today! Kayo kinaya niyo… ako slight lang 🙃😅. Tiga-paypay nga din pala ako ng mga bata kanina hehe.”

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila