Friday, November 22, 2024

Sino Ang Mali? Makati, Taguig Nagsisihan Sa Pagsasara Ng EMBO Health Centers

15

Sino Ang Mali? Makati, Taguig Nagsisihan Sa Pagsasara Ng EMBO Health Centers

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling nagbatuhan ng mga alegasyon ang mga lungsod ng Makati at Taguig hinggil sa kontrobersiyal na pagsasara ng mga health centers sa EMBO barangays.

Sa isang pahayag, ibinunyag ng Makati City ang pagsusumikap nito na panatilihin ang operasyon ng health centers sa EMBO barangays, ngunit dahil sa expired na License to Operate, kinakailangan na rin itong isara.

Mariin namang tinutulan ng Taguig City ang pahayag na ito ng Makati at sinabing hindi kinakailangan ang License to Operate maliban kung ito ay isang registered primary care facility katulad ng Pitogo Health Center sa EMBO.

“Ang totoo, pakana ng Makati na ipagkait sa mga residente ng EMBO ang pasilidad at serbisyo ng health centers at lying in clinic sa EMBO bunsod ng baluktot nitong hangarin na gipitin ang Taguig matapos ideklara ng Korte Suprema na ilegal ang pag-ukupa nila sa mga EMBO barangays,” ayon dito.

Ayon sa Taguig, ang desisyon ng Makati na ipasara ang mga health center ay sinadya matapos ang kontrobersiyal na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa lupaing kinatitirikan ng mga health center.

“Hindi kailanman dapat isakripisyo ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan para lamang sa pansariling politikal na interes,” dagdag nito.

Sinabi pa ng Taguig na tinanggap nito ang panukala ng Makati na sila ang mamahala ng mga health center simula Oktubre 1, 2023, subalit biglang binago ng Makati ang kasunduan.

“Ilang araw bago sumapit ang 01 Oktubre 2023, walang pakundangang tinalikuran ng Makati ang kasunduang ito, at biglang ginawang kondisyon ang pagsuko ng Taguig sa karapatan nito sa pagmamay-ari ng health centers at ng lupang kinatitirikan ng mga ito.”

Ngunit, hindi nagpatalo ang Makati. Ayon kay City Administrator Claro Certeza, mula pa noong Agosto at Setyembre 2023, nag-usap na ang Makati at Taguig, kasama ang Department of Health, tungkol sa transition ng medical services sa 10 barangay.

“From the start, Taguig has flatly refused all proposals coming from Makati to ensure uninterrupted access to health services in the EMBO barangays,” aniya sa isang pahayag.

Patuloy ang pag-atake ng Makati sa Taguig at sinabing hindi nagsusumikap ang kalapit na lungsod na magtayo ng sariling health centers.

“Handa raw ang Taguig na magbigay ng health services sa mga taga-EMBO. Ngunit bakit teleconsult lang ang inaalok nila sa halip na magtayo ng sarili nitong health centers, gaya ng iminungkahi ng Makati?”

Photo credit: Facebook/southsidehealthcenter

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila