Suportado ni Manila Second Disctrict Representative Rolando “CRV” Valeriano ang House Bill (HB) 10599 o Presidential Succession Act of 2024, na inihain ni Manila Rep. Joel R. Chua.
Ito ay sa kabila ng panawagan niya para sa agarang aksyon upang protektahan ang demokrasya ng bansa kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa umano’y “assassin” laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez, at First Lady Liza Marcos.
“We face an enemy within our democracy,” ayon sa mambabatas. The Vice President’s declarations indicate a blatant disregard for the Constitution and the rule of law. We must act decisively to protect our government and our citizens.”
Ang panukalang batas ay naglalayong magtatag ng malinaw na line of succession sakaling mawalan ng pangulo at bise presidente, na hindi sakop ng kasalukuyang probisyon ng 1987 Constitution.
Sa ilalim ng HB 10599, ang chief justice ng Supreme Court ang magiging tagapag-alaga ng executive branch habang pinipili ang acting president mula sa mga senador at ang acting vice president mula sa mga miyembro ng House of Representatives. Ang mga gobernador at alkalde ang magsasagawa ng pagpili sa kanilang mga kinatawan.
“This legislation is crucial to ensuring the continuity of our nation’s leadership and the stability of our democratic institutions,” giit ni Valeriano.
Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH