Inunahan na ni Senador Juan Miguel Zubiri ang ikinakasang kudeta ng mga kasamahan niya sa Senado nang agaran siyang mag-resign sa pagka-Senate President.
Ito ay matapos ibunyag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang isang screenshot na nagsasabing “Signing off as your Majority Leader.”
Ang naturang screenshot ay nakumpirma rin ng Super Radyo dzBB matapos ipahayag na mayroong 15 na senador ang bumoto para sibakin sa pwesto si Zubiri.
“Well, nakakalungkot ginawa ko lahat para protektahan ang independensya ng Senado pero ganon talaga ang pulitika. Wala tayong magagawa. […] I’ve been protecting the independence ng institution. Siguro merong ayaw ng ganon at gusto nila ay maging ano lang po tayo sunud-sunuran,” pahayag ni Zubiri sa isang panayam.
Ibinoto naman ng mga senador si Sen. Chiz Escudero ang bilang bagong Senate President.
Ang dramang ito sa Senado ay nangyari ilang buwan lamang matapos itinanggi ng mga senador ang mga ulat tungkol sa pagpapatalsik kay Zubiri. Anila, walang ibang karapat-dapat na maging leader ng Senado kundi si Zubiri lamang.
“We would say, as far as I am concerned and as far as the members of the majority we have talked to over the past 24 hours, we are solidly behind our inspirational leader, Sen. Migz Zubiri,” ani ni Villanueva sa isang interview noong Pebrero.