Hinikayat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang 3,992 na pumasa sa Bar examination na maging mabubuting na abogado bilang sa serbisyo sa bansa at magsilbi sa mga nangangailangan.
Sa isang pahayag, sinabi niya na dapat ding wala silang katakutan o paboran sa kanilang mga hahawakan o isasampang mga kaso.
“You should be good lawyers by serving the poor and the underprivileged. Ensure that justice is served without fear or favor,” sabi ni Romualdez. “Be a catalyst for change and uphold the standards of public service excellence in the practice of our noble profession.”
Bilang isa ring abogadao, aniya, ang mga bagong papasok sa propesyon ng abogasya ay dapat tumulong sa pagpapabuti ng sistema ng hudikatura sa pamamagitan ng pagkatawan sa mga hindi kayang magbayad para sa mga serbisyong legal.
“They should contribute to the delivery of fair, impartial and speedy justice,” dagdag ng mambabatas.
Photo credit: Facebook/iamMartinRomualdez