Sa pangunguna ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes, aprubado sa Special Committee on Senior Citizens ang mga panukala na nagbibigay ng karagdagang benepisyo, proteksyon at kaligtasan para sa mga senior citizen.
“We (can) further improve the quality of life of our elderly. They have already spent the best years of their lives for our country and contributed largely to nation building. It is but right and proper that we do our share in making the rest of their lives better,” aniya sa isang pahayag galing sa House of Representatives Media Affairs.
Kasama sa aprubado na panukala ang House Bill (HB) 5018 na isinulong ni Parañaque City Representative Gus Tambunting at ang HB 7052 ni Muntinlupa City Representative Jaime Fresnedi.
Bukod dito naipasa rin sa panel ang HB 7298 o ang “Senior Citizens’ Discounts for Vitamins, Minerals, and Food Supplements Act” ni Ordanes at HB2 362 at HB 5425 ni OFW Party-list Representative Marissa del Mar Magsino and Manila Representative Ernesto Dionisio Jr. na nais magbigay ng diskwento sa mga herbal product at value added tax (VAT) exemption sa mga senior citizen.
Binanggit ni Magsino na hindi kasama ang mga supplement sa kasalukuyang 20 porsyentong diskwento sa mga gamot para sa mga senior citizen.
Aprubado rin sa panel ang HB 989, 2090, 5131, at 5212 na nais itaas ang diskwento para sa mga senior citizen at i-exempt sa VAT ang buwanang electric at water consumption charges ng mga senior citizen.
Ang mga panukala na aprubado ay inilatag nina Baguio City Representative Mark Go, ANG PROBINSIYANO Party-list Representative Alfred delos Santos, Nueva Ecija Representative Joseph Gilbert Violago, at Ordanes.
Kasama rin sa aprubado na panukala ay ang pagbibigay ng mga diskwento sa online at offline na bilihin at toll fees ng mga senior citizen na inihain nina Representative Ordanes, Zambales Representative Jefferson Khonghun, at Quezon City Representative Marvin Rillo.
Aprubado rin sa panel ang HB 5409 na pinapalawak ang sakop ng diskwento para sa mga senior citizen, HB 5402 na nagbibigay ng 20 percent na diskwento sa traffic fines para sa mga senior citizen na driver, at HB 3924 na layong magtayo ng Senior Wellness Center sa Baguio City.