Monday, December 16, 2024

STRAIGHT FROM ABU DHABI! Roque, Mega Explain Sa POGO Issue

9

STRAIGHT FROM ABU DHABI! Roque, Mega Explain Sa POGO Issue

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagbigay na ng counter-affidavit si Harry Roque, dating tagapagsalita ng Duterte administration ukol sa mga alegasyon ng human trafficking isinampa sa kanya kamakailan. Inihain ni Roque ang kanyang sagot mula Abu Dhabi. Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang dokumentong ito ay notarized ng Apostille mula sa embahada ng Abu Dhabi.

Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, nag-submit ng counter-affidavit ang abogado ng dating Palace spokesperson, pero mukhang nasa Abu Dhabi siya ngayon. 

Ang reklamo laban kay Roque ay may kaugnayan sa raid ng Lucky South 99 Corporation, isang Philippine offshore gaming operators hub sa Pampanga, kung saan sinampahan siya ng kasong human trafficking ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Iginiit ni Roque na walang ebidensyang direktang nag-uugnay sa kanya sa trafficking. Ayon sa former spox ang pagdadawit sa kanya ay isa lamang “afterthought.”

“My inclusion, as well as the inclusion of Whirlwind Corporation and Lucky South 99 Outsourcing, Inc. were mere afterthoughts. The inclusion of the two corporations was intended to cure the deficiency of the evidence presented both in the original complaint and the supplemental complaint affidavit that utterly failed to identify any overt act of trafficking or qualified human trafficking that will implicate me,” saad ni Roque sa kaniyang 22-page counter-affidavit. 

Ayon pa kay Roque, legal ang naging pakay niya sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. tungkol sa financial arrears ng Lucky South 99 noong Hulyo.

“(T)hat meeting on 26 July 2023 was for a legitimate purpose, i.e., to discuss the arrears of Lucky South 99, and how PAGCOR was intending to deny the pending application of the said corporation for the renewal of its Internet Gaming License should the arrears be not settled,” aniya.

Samantala, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na malamang ilegal ang pag-alis ni Roque mula Pilipinas. Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, walang record ng departure si Roque sa kanilang opisina. “Hindi siya dumaan sa formal ports. Posibleng tinulungan siya ng mga unscrupulous individuals,” ani Viado.

Dagdag pa ng BI, posibleng nag-falsify si Roque ng immigration documents, at pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng karagdagang kaso laban sa kanya. Sinabi rin ng ahensya na makikipagtulungan sila sa embahada sa Abu Dhabi para malaman ang mga detalye ng kanyang biyahe.

Photo credit: Presidential Communications Office

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila