Aprubado sa House Committee on Poverty Alleviation sa pangunguna ni 1-PACMAN Party-list Representatives Michael Romero, Ph.D. ang substitute bill na pinagsamang siyam na panukala na nagbibigay ng 20 posyentong diskwento sa mga naghahanap ng trabaho para sa pagbabayad ng mga fee at charge sa mga government certificate at clearance.
Ang katumbas na committee report ay aprubado rin.
Kasama sa siyam na panukala ay ang House Bills 367, 2533, 3048, 3533, 3604, 4762, 4828, 5553, at 5792 nina Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, Lani Mercado-Revilla, Paolo Duterte, Oscar Malapitan, Ralph Wendel Tulfo, Ernesto Dionisio Jr., Samuel Verzosa Jr., Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, at Gus Tambunting.
Sa pangunguna ni Pampanga 4th District Rep. Anna York Bondoc, ang technical working group (TWG) na gumawa ng substitute bill ay nag-amyenda rin ng panukala, katulad ng paggamit ng “job seekers” kapalit ng “job applicants” at pagbabago sa titulo ng panukala bilang “Kabalikat sa Hanapbuhay Act.”
Sa ilalim ng panukala, kasama sa 20 porsyentong diskwento sa mga fee at charge ang barangay clearance, NBI clearance, police clearance, medical certificate, CSC certificate at iba pang dokumento na galing sa gobyerno na hinihingi sa mga mga indigent job seeker base sa Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee na itinayo ayon sa Section 9 ng panukala.
Naniniwala si Romero na ang substitute bill ay isa sa mga landmark bill at law ng 19th Congress.
Itinalaga naman ng panel si Versoza bilang lider ng TWG na pagsasamahin ang HBs 131, 5562, 5753, 6602, na nagbibigay ng 50 porseyontng diskwento sa mga funeral service ng mga indigent family kasama ang 3678, 5184, and 7184 na nagbibigay ng funeral assistance para sa mga indigent family.
Photo credit: Department of Trade and Industry Official Website