Monday, November 25, 2024

‘SUMUKO KA NA’! PBBM Pabor P10M Pagsukol Kay Quiboloy

1218

‘SUMUKO KA NA’! PBBM Pabor P10M Pagsukol Kay Quiboloy

1218

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bumanat na rin si Pangulong Bongbong Marcos ukol sa paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ lider Apollo Quiboloy at sinabing suportado ang pagbibigay ng pabuya upang matunton lamang ang pastor.

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na walang masama sa paglalabas ng pabuyang P10-million sa kung sinuman ang makakapagturo sa mga awtoridad sa kinaroroonan si Quiboloy.

“They want to help us bring a fugitive to justice. He is a fugitive. He is hiding from the law. If there are private citizens who wanted to assist the government in that effort. I do not see [anything wrong]. They can question his motives as much as they want.”

Dagdag pa ni Marcos, kung walang itinatago si Quiboloy ay magpakita na lamang siya upang hindi na humaba pa ang diskusyon sa kanyang kakaharaping mga kaso.

“Magpakita siya. I question his motives. […] Bakit lagi kaming kinikwestyon, sinusundan lamang namin ang batas. Sundin din niya ang batas.”

Matatandaang nag-alok ng pabuya si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa paghahanap sa nagtatagong pastor.

Mariin naman itong kinuwestiyon ng kampo ni Quiboloy at sinabing bakit nanggaling sa pribadong mamamayan ang pabuya para sa paghahanap sa pastor at hindi sa intelligence funds ng gobyerno.

Anila, dapat ding malaman ng taumbayan at ng kanilang kampo kung sino ba ang mga taong ito na nagbigay ng ganoong kalaking pabuya upang mahanap lang ang mailap na si Apollo.

Photo credit: Facebook/BongbongMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila