Na-”back to you” ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang tinaguriang “Young Guns” ng Kamara matapos nilang batikusin ang pagtaas ng budget para sa bagong Senate building.
“I advise the Young Guns in the House of Representatives to first look at the dramatic increase in the budget of the House from P15 Billion as reflected in the President’s Budget to the final amount of P28 Billion in the General Appropriations Law,” pahayag ni Pimentel sa isang report ng Inquirer.net.
Nanindigan si Pimentel na dapat tumutok ang mga kinatawan ng Kamara sa kanilang sariling paggasta bago punahin ang Senado. Aniya, “Their time and efforts are better spent in making sure that there is no wastage of public funds in the expenditure of the extra funds of the House of Representatives.”
Bagama’t sa una ay hindi sigurado sa eksaktong halaga, nilinaw ni Pimentel na ang budget ng Kamara sa katunayan ay lumobo na sa P28 bilyon.
Matatandaang pinuna nila 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega ang halos pag-triple ng budget na kailangan para sa pagkumpleto ng bagong Senate building sa Taguig.
Photo credit: Facebook./senateph, House of Representative official website