Masayang inanunsyo ni Governor Rafy Ortega-David na nakuha ng La Union ang ikapitong pwesto sa Most Competitive Province Nationwide rankings, at nalagpasan ang 81 na iba pang probinsya sa bansa. Napanatili rin ng lalawigan ang unang pwesto nito sa Region 1 ayon sa Cities and Municipalities Competitiveness Index.
“Let’s celebrate, Kaprobinsiaan! From 11th to 7th in just one year!!!” pahayag ni Ortega-David sa kanyang social media page.
Ipinaabot din niya ang pagbati sa mga local government sa La Union na nagkamit ng karagdagang pagkilala gaya ng Municipality of Agoo, Municipality of Aringay, Municipality of Bacnotan, Municipality of Bagulin, Municipality of Pugo, Municipality of Rosario, City Government of San Fernando, at Municipality of Santo Tomas.
“Nakaka-proud! 🙌The road to this accomplishment has been paved with the unwavering commitment of our residents, the tireless efforts of our local businesses, and the dedication of our public servants. Truly, this accomplishment is a manifestation when we work together as one #LaUnionPROBINSYAnihan, there are no limits to the heights we can reach,” pagbibigay-diin ni Ortega-David.
Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index ay isang taunang ranking ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees sa tulong ng United States Agency for International Development.
Ang ranking ng mga lungsod at munisipalidad ay batay sa kabuuan ng kanilang mga marka sa 4 Pillars: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, at Resiliency. Ang mga provincial ranking ay batay sa populasyon at income weighted average ng pangkalahatang mga marka ng mga lungsod at munisipalidad sa ilalim ng isang lalawigan.
Photo credit: Facebook/GovRafy