Tuesday, November 26, 2024

Support #TatakLUcal! La Union Gov. Ortega-David Hinikayat Ang Pagtangkilik Sa Maliliit Na Negosyo

24

Support #TatakLUcal! La Union Gov. Ortega-David Hinikayat Ang Pagtangkilik Sa Maliliit Na Negosyo

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binigyang-diin ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga plataporma para sa mga maliliit na negosyante matapos ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa probinsya.

“I really love having programs where our MSMEs [micro, small and medium enterprises] have avenues to showcase their products. Sa mga fairs po gaya ng Kadiwa, mas nakikilala at nasusuportahan ang mga #TatakLUcal na produkto,” aniya sa social media.

“Kaya po kapag may Kadiwa na malapit sa inyo, don’t forget to support!”

Ayon sa pahayag ng Provincial Government of La Union (PGLU), ang KNP sa La Union ay nagsimula noong Hulyo 17 sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) Grounds, sa layuning suportahan ang sektor ng agrikultura at pahusayin ang seguridad sa pagkain.

“The KNP initiative is a key component of Marcos’ administration’s campaign for food security. … the KNP aims to eliminate intermediaries in the supply chain, strengthen market linkages, and ensure affordable access to fresh produce,” paliwanag nito.

Ayon sa PGLU, itinampok sa KNP ang 30 exhibitors, kabilang ang mga lokal na magsasaka, grupo ng mga magsasaka, at MSMEs, na buong pagmamalaki na nagpakita ng kanilang mga sariwang prutas at gulay, well-milled rice, isda, karne, processed products, at handicrafts. 

Nakapagtala ang PGLU-OPAg ng kabuuang benta na P256,217.48, na nagbibigay-diin sa positibong epekto ng KNP sa industriya ng agrikultura ng lalawigan.

With the successful launching of Kadiwa ng Pangulo, La Union takes a significant step towards a more sustainable and prosperous agricultural sector, further solidifying its position as a premier agri-tourism destination in Northern Luzon,” pagtatapos ng PGLU.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila