Inaasahang bababa pa ang presyo ng bigas sa bansa gaya ng nangyayari sa iba pang parte ng Southeast Asia at batay na rin sa mga pagtataya ng pamahalaan. Ito ang pahayag ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang sectoral meeting sa Malacañang noong Martes.
Sinabi ito ng pangulo sa kalagitnaan ng isang pagpupulong sa kanyang mga top government officials ways ukol sa pamamahala ng food at non-food inflation.
“Doon sa rice, mukha namang sumusunod dun sa projections natin sa rice prices. And it seems to be consistent again with the same experience of other ASEAN [Association of Southeast Asian Nations] countries like Thailand and Vietnam,” saad ng pangulo sa isang news release na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO).
“So, I think as the time goes on, that should improve,” he added.
Bumagal sa 3.3 percent ang inflation noong Agosto mula 4.4 percent noong Hulyo dahil sa pagbaba ng food inflation mula 6.7 percent hanggang 4.2 percent. Ang pagbabang ito ay dahil na rin sa mababang inflation rate ng presyo ng bigas na bumaba sa 14.7 percent mula 20.9 percent noong Hulyo.
Ang bigas ang top inflation driver sa bansa.
Ayon sa PCO, ang presyo ng bigas sa Vietnam at Thailand ay nakontrol noong nakaraang buwan ayon na rin sa available data ngayong Setyembre. Saad pa nito ang landed cost ng imported na bigas ay bumaba ng 15 percent, o higit kumulang na P7 kada kilo, as of mid-September, matapos ipatupad ang mas mababang taripa sa ilalim ng Executive Order No. 62, s. 2024.
Samantala, sinabi rin ni Marcos na mag-aangkat pa rin ng asukal ang bansa para masiguro ang supply nito at para sa stabilized prices.
Ang retail price ng refined sugar ay nanatiling mataas o 35 percent kumpara noong January 2022 kung kailan una itong sumipa.