Friday, January 31, 2025

‘SURVEY, GABAY LANG!’ Bersamin: Buhay Ng Mamamayan, Tunay Na Sukatan

6

‘SURVEY, GABAY LANG!’ Bersamin: Buhay Ng Mamamayan, Tunay Na Sukatan

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Patuloy ang matibay na suporta ng mga Pilipino sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024.

Lumabas sa survey na 59% ng mga Pilipinong may sapat na gulang ang kontento sa pamamahala ng administrasyon, habang 23% ang hindi nasisiyahan, at 17% ang undecided.

Malakanyang: Taos-Pusong Pasasalamat
Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na lubos na nagpapasalamat ang Malacañang sa patuloy na tiwala ng publiko.

“[The Palace] grateful for the people’s support, as reflected in surveys that have consistently placed us in overwhelmingly positive territory,” ani Bersamin.

Dagdag pa niya, positibong tinanggap ng administrasyon ang mataas na rating sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, pagbibigay ng dekalidad na edukasyon, at mga hakbang para maiangat ang buhay ng mahihirap at magbigay ng trabaho.

“We likewise appreciate the positive reception of our efforts to build housing, put food on tables, and improve transportation,” dagdag pa niya.

“Good” Ang Overall Rating Ng Administrasyon
Ayon sa SWS survey, napanatili ng administrasyon ang net satisfaction rating na +36, na pasok sa kategoryang “good.”

Sa limang pangunahing sektor, nakuha ng administrasyon ang rating na “very good” sa:

  • Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad (+65)
  • Pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng mga bata (+60)
  • Pagtulong sa mahihirap (+57)
  • Paglikha ng trabaho (+51)
  • Pagpapaunlad ng agham at teknolohiya (+51)

Samantala, “good” naman ang rating sa pitong aspeto:

  • Programa sa pabahay para sa mahihirap (+49)
  • Pagsisigurong sapat ang pagkain sa bansa (+46)
  • Mabisang pampublikong transportasyon (+45)
  • Kahandaan sa bagyo at kalamidad (+44)
  • Pagtugon sa climate change (+38)
  • Pagsasabi ng katotohanan sa publiko (+34)
  • Pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (+32)

Samantala, sa aspetong “walang pamilyang magugutom”, nakakuha ng administrasyon ng “moderate” rating na +26.

Survey Ay Panandaliang Salamin Ng Opinyon – Bersamin

Bagama’t positibo ang resulta ng survey, nilinaw ni Bersamin na ang ganitong datos ay isang “weathervane for public opinion” lamang.

“They reflect the support we receive for the policies we enact but not necessarily their impact. In that sense, the truest measure of public service is whether we improve our people’s lives,” paliwanag niya.

Binigyang-diin niya na mas mahalaga ang aktwal na epekto ng mga polisiya kaysa sa survey ratings. Gayunman, itinuturing nila ang mga survey bilang feedback tool upang higit pang mapahusay ang serbisyo ng gobyerno.

“Having said that, we value these periodic mood meter readings as feedback tools that allow us to further enhance our service delivery,” dagdag ni Bersamin.

Photo  credit: Facebook/pcogovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila