Saturday, January 11, 2025

Survival Rate Sa Atake Sa Puso Pataasin! AEDs Sa Public Spaces Itinutulak Ni Sen. Lapid

54

Survival Rate Sa Atake Sa Puso Pataasin! AEDs Sa Public Spaces Itinutulak Ni Sen. Lapid

54

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Itinutulak ngayon ni Senador Lito Lapid ang mandatoryong paglalagay ng automated external defibrillators (AEDs) sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas para sa agarang pagtugon sa atake sa puso.

Ang kanyang Senate Bill No. 1324 (SBN 1324) ay tugon sa patuloy na mataas na bilang ng mga namamatay dahil sa sakit sa puso sa bansa kahit na sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, mayroong hindi bababa sa 77,173 na naitalang pagkamatay dahil sa ischemic heart disease sa pagitan ng Enero at Setyembre 2022. Ang nakababahalang bilang na ito ay bumubuo ng 12.7 porsiyento ng lahat ng naitalang pagkamatay sa panahong iyon. Dahil dito, ang sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Lapid ang kahalagahan na tugunan ang problemang ito habang naghahanda ang Pilipinas na makiisa sa international community sa pagdiriwang ng World Heart Day sa Setyembre 29. Ang mga kilalang medical organization sa bansa, tulad ng Philippine Heart Association at Philippine College of Cardiology, ay patuloy na idiniin ang kahalagahan ng kalusugan ng puso.

Ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng kalusugan ng puso ay ang epektibong pagtugon sa mga biglaang atake na kung hindi kaagad maaagapan ay maaaring humantong sa pagkamatay. Gayunpaman, sa timely at tamang medical intervention, ang survival rate para dito ay tataas. Ang access sa mga AED sa labas ng mga ambulansya at mga medical facilities ay nananatiling ding limitado sa Pilipinas.

Ang AEDs ay portable devices na idinisenyo upang tulungan ang mga indibidwal na nakakaranas ng biglaang atake sa puso sa pamamagitan ng electric shock upang maibalik ang mga normal na ritmo nito. 

“Meron na po tayong teknolohiya, gaya po ng AED, upang iligtas ang mga taong nakaranas ng cardiac arrest at bigyan sila ng mabuting pagkakataon na magkaroon ng normal na buhay matapos and insidente. Kailangan lamang ilagay natin ito sa mga lugar kung saan madali po silang maabot upang magbigay ng agarang lunas,” paliwanag ni Lapid.

Layon ng SBN 1324 na gawing mandatoryo ang paglalagay ng mga AED unit sa iba’t ibang pampublikong lugar, kabilang ang mga  government building, transport terminal, hotel, resort, mall, condominium, at mga katulad na establisyimento. Binabalangkas din ng panukalang batas ang mga alituntunin para sa pag-apruba ng Food and Drug Administration, periodic inspection, at strategic placement ng mga AED unit upang matiyak ang kanilang accessibility at pagiging epektibo.

Higit pa rito, kasama sa panukalang batas ni Lapid ang mga probisyon para sa isang training program na pangungunahan ng Department of Health upang ituro ang wastong paggamit at maintenance ng mga AED unit kasabay ng regular na mga first-aid training.  

“Gagawing requirement ang pagkumpleto sa nasabing training ng mga emergency response o first-aid teams ng bawat establisyemento bago sila mabigyan ng AED units,” ayon kay Lapid.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila