Dear Politico,
Pansin ko lang…
Ilang araw matapos ang pagputok ng balita na “not guilty” si former Justice Secretary Leila De Lima sa kanyang drug case, agad namang nag-anunsyo si Vice President Sara Duterte na tatakbo ang kanyang tatay at mga kapatid sa Senado.
Agaw-eksena ang nasabing announcement ni VP Sara at natabunan na ang tungkol kay de Lima.
Ayaw lang ba nila masapawan o takot lang sila sa banta ni de Lima na ngayong nakalaya na siya sa kanyang kaso ay sila naman ang mananagot sa batas?
Matatandaang si dating Pangulong Rodrigo Duterte umano ang isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakakulong ni De Lima ng mahigit pitong taon.
Nagkataon lang ba ito o tactical diversion para matabunan ang isyu ni Digong?
Nagtatanong,
Ava Cruz
Photo credit: Facebook/leiladelimaofficial, Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.