Friday, January 10, 2025

Taksil! Sen. Hontiveros Pinaiimbestihagan Ang Duterte-China ‘Gentleman’s Agreement’

408

Taksil! Sen. Hontiveros Pinaiimbestihagan Ang Duterte-China ‘Gentleman’s Agreement’

408

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros ng imbestigasyon sa umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng gobyerno ng China. Ang kasunduang ito ay sinasabing nagpahirap sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa isang press release, binigyang-diin ni niya  ang kabigatan ng isyung ito, at sinabing, “This ‘gentleman’s agreement’ is treasonous. While China, in any case, will most likely attack our resupply missions en route to Ayungin, this sham of an agreement only gave Beijing more ammunition to assert her baseless claims. Kung totoo ang kasunduan, mukhang isinuko nga ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas.”

Ang Proposed Senate Resolution No. 982, na inihain ni Hontiveros, ay nagbibigay-diin sa mga potensyal na implikasyon ng naturang kasunduan. Ito ay makikita bilang pagsuko ng soberanya ng Pilipinas, gaya ng paglalarawan dito ni dating Philippine Navy flag officer-in-command Eduardo Santos “act of treason.”

Ang National Security Council, na kinakatawan ni Assistant Director General Jonathan Malaya, ay nagpahayag ng kawalang-alam sa kasunduang ito. Nanawagan si Malaya kay Atty. Harry Roque, na nagsiwalat ng kasunduan, upang ipaliwanag ang mga kalagayan at implikasyon nito sa pambansang seguridad.

“Pati pambansang seguridad natin nalagay sa pahamak dahil sa walang-dangal na ‘gentleman’s agreement’ na yan. China is already all around us – sa telecoms, sa national grid, sa karagatan – at mas lalo lang pinalakas ni Duterte ang Tsina sa kasunduang di umanong pinasukan niya,” pagdidiin ni Hontiveros.

Tinapos niya ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapatibay ng BRP Sierra Madre, at sinabing, “It is our duty to fortify the BRP Sierra Madre. Without it on Ayungin, we effectively give way for China to illegally occupy what is ours. If we stop reinforcing the Sierra Madre, we not only lose a crucial, strategic outpost, but also fail to defend our sovereignty.”

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila