Thursday, January 9, 2025

TAPOS ANG PUSTAHAN! Online Cockfighting Ban Nakaulos Sa Komite

1926

TAPOS ANG PUSTAHAN! Online Cockfighting Ban Nakaulos Sa Komite

1926

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inaprubahan ng House Committee on Games and Amusement ang Committee Report ang House Bill (HB) 9996 na nagbabawal sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa online cockfighting o e-sabong. 

Ang panukalang batas ay naglalayon ding tugunan ang patuloy na isyu ng illegal online betting sa bansa.

Noong 2022, naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) 9, na nag-utos sa patuloy na pagsuspinde ng mga operasyon ng e-sabong sa buong bansa. Gayunpaman, ayon kay committee member at Pangasinan Rep. Ramon “Mon-Mon” Guico III, itinulak lamang ng suspensiyon ang paglala ng illegal online betting.

“Sabong is an integral part of Philippine culture. It provides entertainment and a chance for profit,” aniya. Idinagdag ng mambabatas na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay kulang sa kinakailangang police powers para ipatupad ang ban, kaya napilitan silang makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Binigyang-diin naman ni Leyte Rep. Richard Gomez ang mga hamon sa pagsasaayos ng e-sabong dahil sa pagiging online nito at ang pagkakasangkot ng mga maimpluwensyang indibidwal. “Even if the DICT (Department of Information and Communications Technology) forcibly disables e-sabong websites, operators will simply find another domain and server to relaunch their illegal online sabong betting site,” paliwanag niya. Binanggit din niya ang pag-amin ni Pagcor chief Alejandro Tengco na humigit-kumulang 2,000 na mga e-sabong site ang tumatakbo pa rin sa bansa.

Binigyang-diin ng mambabatas ang mga social cost ng e-sabong, at sinabing, “Ang sa akin lang pag sabong lalo na pag iligal sabong nakakasira ng buhay ng tao.”

Binanggit naman ni Camarines Sur Rep. Arnie Fuentebella ang epekto nito sa mga kabataang Pilipino. “The social cost is too high. Yung mga bata, inuubos nila pera nila. Nagkakautang sila… Dahil ang online e-sabong po talaga ay nagpapahirap sa mga mamayang Pilipino,” aniya at sinabing ang kakulangan ng regulasyon ang nagpapahintulot sa kahit na mga menor de edad at mga overseas Filipino workers na isugal ang kanilang pera.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na bisitahin ng mga alagad ng batas ang mga sabungan upang kumpiskahin ang mga camera na ginagamit para sa livestreaming ng mga laro. 

Photo credit: ReverbNation website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila